- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 1360
MARSO 16, 2024 | Katuwang ang iba’t-ibang mga ahensya at lokal na pamahalaan, pinangunahan ngayong araw ng DILG Bulacan at Pamahalang Bayan ng Marilao ang pagsasagawa sa Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program, kung saan itinampok ang Brgy. Sta. Rosa I sa pangunguna ni PB Kenneth Delos Reyes, bilang isa sa mga showcase barangay sa buong Rehiyon Tres.
Sa ginanap na clean-up drive sa Mary Grace Subdivision ay ipinahayag ng Bayan ng Marilao sa pangunguna ni Punong Bayan Henry Lutao ang patuloy na suporta ng bayan sa KALINISAN Program ng Departamento, kung saan ay ibinida ang kanilang proyektong Palit Basura Project.
Sa kabilang banda ay pinangunahan ni Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia ang Pledge of Commitment kung saan ay sabay-sabay na nanumpa ang bawat kawani, opisyal at mga mamamayan ng barangay sa kanilang aktibong partisipasyon sa pagpapanatili ng malinis na kapaligiran tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Kabilang sa mga limang daang (500) katao na nakiisa at nakilahok sa aktibidad na ito ay sina LnB President Guillermo Paraoan, Jr., mga Punong Barangay ng Marilao, HOA ng Mary Grace Subd., mga kawani ng DILG Bulacan, PNP, BFP, BJMP, AFP, NGOs, at iba pang mga tanggapan.
Ang Kalinisan Program ay isang inisyatibo na naglalayong hikayatin hindi lamang ang pamahalaan, kung hindi ay lahat ng mamamayang Pilipino na isulong ang ligtas at malinis na kapaligiran para sa mga darating pang henerasyon.