TSLogo

 

 

facebook page

 

 

City of Malolos, Bulacan – The Provincial Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) Committee of the Province of Bulacan convened for 3rd Quarter on September 17, 2024 in PSWDO Conference Room, Capitol Compound.


Ika-17 ng Setyembre, 2024, opisyal na pinasinayaan ang proyektong "Construction of NIA Road (Isip-Isip)" sa barangay Tabang, Plaridel, Bulacan. Ang proyektong ito ay mula sa Seal of Good Local Governance Incentive Fund na may kabuuang halaga na 1,800,000 milyong piso.
Layunin ng proyektong ito na makapagbigay ng alternatibong daan upang mapagaan ang daloy ng trapiko sa pangunahing kalsada at mapadali ang pagbyahe ng mga tao at produkto na magpapalakas sa lokal na ekonomiya na magpapabuti sa kabuhayan ng mga residente ng Plaridel.
Ang nasabing pasinaya ay pinangunahan nina Mayor Jocell Aimee Vistan-Casaje, Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, Cluster Head Judith B. Romero, MLGOO Archie Coronel, Sangguniang Bayan, mga Punong Barangay, mga kawani ng lokal na pamahalaan, at mga residente ng barangay Tabang.


Nakiisa ang DILG Bulacan, sa pangunguna ng Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, sa pagdalo para sa ika-126 taong Anibersaryo ng Pagbubukas ng Kongreso ng Malolos, na may temang, “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan.” na ginanap sa makasaysayang simbahan ng Barasoain.


Sa nasabing aktibidad ay nagbahagi ng talumpati si Gob. Daniel Fernando kung saan ay kaniyang binigyang diin ang kahalagahan ng yugtong ito sa kasaysayan ng Bayan, na siyang nagsisilbing daan upang maipahayag ang ating karapatang mamahala at maging malaya sa ating bansa. Kaniya ring ipinalalahanan ang lahat na kung paano inilaban ng ating mga pinuno ang kalayaan laban sa mga mananakop ay siya ring patuloy na diwa at tapang ng bawat isa na kailangan upang mapagtagumpayan ang bawat hamon sa lalawigan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video