TSLogo

 

 

facebook page

 

Matagumpay na isinagawa ang Pangwakas na Balidasyon ng Provincial Assessment Committee (PAC) kaugnay ng pagtatasa para sa Barangay Environmental Compliance (BECA) ngayong taon. Sa nasabing aktibidad ay nagkaroon ng mabusising pagsusuri at deliberasyon ang komite mula sa anim (6) na barangay na nagkamit ng mataas na marka sa isinagawang paunang balidasyon na nagpamalas ng husay at galing sa pag implementa ng mga programa alinsunod sa Republic Act No. 9003 o kilala bilang “Ecological Solid Waste Management Act of 2000”.


Nakatakda naman na sasailalim sa Pangrehiyong Pagtatasa ang dalawang (2) barangay na nagkamit ng pinakamataas na marka alinsunod sa mga panukatan na nakapaloob sa nasabing programa.

September 13, 2024 — Isinagawa ngayong araw ang malawakang distribusyon ng Comprehensive Governance Assistance na may temang "Handog ng Pangulo, Serbisyong Sapat para sa Lahat." Kaugnay nito, ang mga sumusunod nanaktibidad ay sabay-sabay na isinagawa sa tatlong pangunahing lugar sa Bulacan, na may layuning magbigay ng suporta at oportunidad sa komunidad:

 

Isinagawa ngayong araw ng DILG Bulacan LFP Team ang inspeksyon sa proyektong "Construction of Two (2) Storey - Two (2) Classroom Building" sa barangay Saluysoy, Lungsod ng Meycauayan. Ang proyektong ito ay pinondohan sa ilalim ng F.Y. 2023 Support to the Barangay Development Program (SBDP) na may kabuuang pondo na 6,606,882.17 milyong piso.


Layunin ng proyektong ito na makabuo ng pangmatagalang solusyon sa mga pangangailangan sa sektor ng edukasyon at inaasahang magbibigay din ng malaking benepisyo sa hinaharap ng barangay.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video