Ipinagdiwang ngayong araw ang ika-126 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas na may temang “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan.” sa makasaysayang simbahan ng Barasoain, Lungsod ng Malolos.
Dumalo bilang Panauhing Pandangal si Igg. Ferdinand Martin Romualdez, Speaker of the House of Representatives. Sa kanyang talumpati ay binigyang diin niya na ang araw ng kalayaan ay hindi lamang isang pagtanaw sa nakaraan, bagkus ito rin ay isang pagkakataon para magkaisa ang bawat Pilipino tungo sa isang malayang bansa. Ang aktibidad ay pinangunahan ni Gov. Daniel Fernando, Vice Gov. Alex Castro, kasama ang mga Punong Lungsod/Bayan, mga opisyal ng iba’t-ibang tanggapan at mga ahensya ng pamahalaan.