Sumailalim sa ehekutibong kurso ng Incident Command System (ICS) ang mga lokal na opisyal ng lalawigan, pinuno ng mga departamento, at mga miyembro ng PDRRMC nang ika-11 ng Hunyo sa Lungsod ng Malolos, Bulacan. Kabilang sa mga paksang tinalakay ay ang panimula ukol sa ICS, organisasyon at mga pasilidad sa ICS, epektibong pamamahala sa mga planadong pagtitipon at mga insidente at ang mga pangkariwang responsibilidad ng mga ICS practitioners.
Ang naturang aktibidad ay isinagawa bunga ng patuloy na pagsusumikap ng pamahalaan na mapalakas ang kakayahan ng mga lider sa pagtugon sa mga sakuna at mga natural na kalamidad. Kabilang sa mga aktibong sumailalim sa pagsasanay ay sina Gov. Daniel Fernando, Vice Gov. Alex Castro, PD Myrvi Apostol-Fabia, mga Mayor at Vice Mayor ng mga lungsod at bayan ng lalawigan at iba pang mga nasa ehekutibong antas ng pamamahala.
Ang Incident Command System (ICS) ay nakaangkla sa RA 10121 o kilala bilang “Philippine Disaster Risk Reduction Management Act of 2010” at isa sa mga pangunahing programa ng Office of Civil Defense (OCD) bilang isang on-scene disaster response tool ng DRRM System ng bansa.a