TSLogo

 

 

facebook page

 

Ngayong araw, ika-20 ng Abril, 2023, idinaos ang ikaapat na Buwanang Pagpupulong ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa Barangay Poblacion, Bayan ng San Ildefonso, Lalawigan ng Bulacan. Ito ay dinaluhan ng mga kawani ng nasabing tanggapan na may iisang hangarin na mapalakas at mapaganda ang serbisyo publiko sa lalawigan.

Sa kanyang mensahe, ipinabatid ni Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, CESO V ang kanyang pagbati sa isang makabuluhang unang sangkapat ng taon sa lahat ng kawani ng tanggapan. Kasabay nito, kanya ring hinikayat ang bawat isa na mas patatagin ang pakikipag-ugnayan sa LGU at ang determinasyon na makatulong sa pagpapalago ng mga bayan at lungsod sa lalawigan ng Bulacan.

Ang nasabing gawain ay naging daan din upang ipagmalaki ang mga natatanging gawa, proyekto, at programa ng Pamahalaang Bayan ng San Ildefonso. Batay sa kanilang presentasyon, lubos na sinasalamin ng mga nasabing inisyatibo ng Bayan ng San Ildefonso ang mga programang tumatalakay sa kaligtasan, kalusugan, at kapayapaan. Sa punto ring ito, hiniling ni Punong Bayan, Igg. Fernando S. Galvez, Jr. sa Kagawaran na patuloy silang gabayan at palakasin upang makamit ang iisang mithiing makapagbigay ng natatanging serbisyo sa bayan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video