Noong ika-19 ng Abril 2023, sa pangunguna ni Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, pormal ng binuksan ang DILG Bulacan Sportsfest 2023 na may temang SINGKAD: Sports INteGration: Key to Achieve group Dynamics. Ang nasabing gawain ay naglalayong patatagin ang pagkakasundo at pagkakaisa ng lahat ng empleyado ng DILG Bulacan, itaguyod ang halaga ng pagtutulungan, lalo’t higit ay hikayatin na magkaroon ng kamalayan sa kalusugan upang lumikha ng isang maayos at mahusay na balanse sa pagitan ng personal na buhay at ng trabaho.
Kaugnay nito, ang SINGKAD Sportsfest 2023 ay kinapapalooban ng iba't ibang uri ng mga larong pampalakasan at mga laro ng lahi tulad ng patintero, luksong baka, luksong tinik, tumbang preso, moro-moro, ubusang lahi, langit lupa, at marami pang iba, na susukat sa galing at tibay ng apat na grupong kalahok sa nasabing aktibidad na inaasahang tatagal sa buong ikalawang sangkapat ng taong kasalukuyan.