TSLogo

 

 

facebook page

 

Mga Sanggunian Panlungsod at Bayan, Inihanda na para sa 2025 Local Legislative Awards (LLA)

Bilang bahagi ng layunin na isulong ang mahusay at epektibong mekanismo ng pagpapalakas ng lokal na lehislatura ng mga pamahalaang lokal sa lalawigan, matagumpay na isinagawa ng DILG Bulacan, sa pangunguna ni PD Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, ang Panlalawigang Oryentasyon ng Local Legislative Awards (LLA) sa mga Sangguniang Panlungsod at Bayan ng Bulacan, ngayong araw, Agosto 5, 2025.

TINGNAN | Naganap nitong ika-4 ng Agosto 2025 ang opisyal na panunumpa ng mga bagong halal na mga opisyales ng Vice Mayors’ League of the Philippines (VMLP) – Bulacan Chapter. Ang seremonya ay pinangunahan ni Gob. Daniel R. Fernando, na sinaksihan nina Bise Gob. Alex Castro, PD Myrvi Apostol-Fabia, Panlalawigang Tagapangasiwa Antonia Constantino, at ng iba pang mga pinuno ng tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan.

Vice Mayor Ferdinand Estrella, Bagong Pangulo ng VMLP-Bulacan

Lungsod ng Malolos | Matagumpay na isinagawa ngayong araw, ika-1 ng Agosto 2025, ang halalan para sa bagong hanay ng mga opisyales ng Vice Mayors’ League of the Philippines (VMLP) – Bulacan Chapter para sa termino simula ngayong 2025 hanggang 2028.

Mga Bagong Streetlights, Dala ay Saya at Liwanag sa Bulakan, Bulacan

Agosto 4, 2025 | Pinangunahan ngayong araw ni Mayor Vergel Meneses, kasama sina DILG Bulacan PD Myrvi Apostol-Fabia, Punong Barangay Jose Narciso Roque, at ng iba pang mga Pinuno ng mga Tanggapan ang pagpapasinaya ng tatlumpu’t limang (35) solar street lights bilang insentibong natanggap ng bayan para sa kanilang pagpasa sa Seal of Good Local Governance taong 2024 na nagkakahalaga ng Php 1,153,000.00.

Alab ng Pagkilos, Igting ng Pagkakaisa: Mainit na Pagtangap ng DILG Bulacan kay Regional Director Araceli A. San Jose

Sa pagtatapos ng buwan ng Hulyo, matagumpay na isinagawa ng DILG Bulacan ang Ika-7 DILG Konek: The Provincial Team Conference sa Balagtas Hall, Hiyas ng Bulacan Convention Center, Lungsod ng Malolos. Layunin ng pagtitipong ito ang mas malalim na pagsusuri sa mga naging kaganapan sa nakaraang sangkapat, pagbabahagi ng mga pananaw at karanasan, at higit sa lahat, ang pagpapatibay ng koordinasyon at kolektibong pagkilos tungo sa mas epektibong paglilingkod.

Itinampok rin sa nasabing aktibidad ang mainit at buong-pusong pagtanggap ng DILG Bulacan kay Director Araceli A. San Jose, bilang bagong Regional Director ng DILG Region III. Sa kanyang kauna-unahang pakikipag-ugnayan sa lalawigan, pinangunahan ni RD San Jose ang interfacing session kasama ang mga C/MLGOOs at iba pang kawani ng DILG Bulacan. Dito, kanilang inilahad ang kasalukuyang kalagayan ng mga lokal na pamahalaan sa lalawigan, kabilang ang mga hamon, inobasyon, at mga kwento ng tagumpay sa kanilang mga nasasakupan.

Sa kanyang mensahe, pinuri ni RD San Jose ang hindi matatawarang dedikasyon ng DILG Bulacan. Aniya, "Kayo ang tunay na larawan ng isang lingkod-bayan—matino, mahusay, maaasahan, at may malasakit sa kapwa." Ang pagtitipon ay naging makabuluhang hakbang sa pagpapatuloy ng may malasakit at epektibong serbisyo publiko sa lalawigan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE
Untitled-2.png

 


Featured Video