TSLogo

 

 

facebook page

 

 

Isinagawa ngayong araw ng DILG Bulacan LFP Team ang inspeksyon sa proyektong "Construction of Two (2) Storey - Two (2) Classroom Building" sa barangay Saluysoy, Lungsod ng Meycauayan. Ang proyektong ito ay pinondohan sa ilalim ng F.Y. 2023 Support to the Barangay Development Program (SBDP) na may kabuuang pondo na 6,606,882.17 milyong piso.

 


Sa pag-asa at tiwala na makakamtan ang tagumpay, sumailalim sa Pambansang Pagtatasa ng SGLG ang mga bayan ng Pandi, San Ildefonso, Doña Remedios Trinindad, Marilao, Angat, Bulakan, Paombong, Bustos at ang lungsod ng Malolos at Meycauayan nitong ika - 10 hanggang ika- 12 ng Setyembre, 2024.

Pinangunahan ng DILG Bulacan ang Panlalawigang Pagtatasa para sa Seal of Good Local Governance for Barangays (SGLGB). Ang aktibidad ay dinaluhan ng Provincial Performance Assessment Team (PPAT) na binubuo ng mga kinatawan mula sa Liga ng mga Barangay (LnB), Sangguniang Kabataan (SK) Federation, Provincial Planning and Development Office (PPDO), at Civil Society Organization (CSO).


Ika-09 ng Setyembre, 2024, sa kauna-unahang pagkakataon, sa pangunguna ng Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, nakilahok ang DILG Bulacan sa Parada ng mga Karosa sa pagbubukas ng Singkaban Festival na may temang “Pagyakap sa Kasaysayan, Pagsulong sa Kinabukasan.”

 

Pakikipagpulong ng DILG Bulacan  sa pangunguna ni PD Myrvi Fabia sa Liga ng mga Barangay - Malolos City Chapter.  Ang aktibidad na ito ay bahagi ng programa ng kagawaran na palakasin ang pakikipagugnayan sa mga lokal n pamahalaan at malaman ang mga suliraning hinaharap sa implementasyon ng mga programa ng departamento. Patuloy na isinasagawa ng  DILG Bulacan ang pakikipagpulong at pakikupagugnayan sa iba’t-ibang lokal na pamahalaan sa lalawigan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video