Naghatid ng bagong sigla ang pagtatayo ng isang modernong cafeteria na pinondohan sa pamamagitan ng FY 2023 Seal of Good Local Governance Incentive Funds (SGLGIF) sa bayan ng Dinalupihan. Ang proyektong ito, na nagkakahalaga ng 1.8 milyong piso, ay matagumpay na natapos noong Abril 23,2024, at itinayo sa likuran ng munisipyo.
Bukod sa masarap at abot-kayang pagkain, ang bagong cafeteria ay nagtataguyod ng pagtutulungan ng pamahalaan at mga kalapit na institusyon.May kapasidad itong magsilbi sa 50 katao at bukas mula alas sais ng umagahanggang alas kwatro ng hapon. Nag-aalok ito ng almusal, tanghalian, at meryenda para sa mga estudyante, kawani, at residente, layuning matugunanang pangangailangan sa ligtas at dekalidad na pagkain.
Ayon kay Punong Bayan German M. Santos Jr., napakalaking ginhawa ang dala ng proyektong ito. “Ang bagong cafeteria na ito ay hindi lamang para sa LGU Dinalupihan, kundi para rin sa mga nasa kalapit na institusyon tulad ng aming university sa gilid, isang high school sa likuran, at ang aming district hospital. Napakalaking tulong po ang pagkakaroon namin ng bagong cafeteria dahil marami ang nakikinabang dito.”
Ibinahagi naman ni Dr. Paul Foronda, chairman ng Dinalupihan Employees Consumer Cooperative, kung gaano kahalaga ang bagong proyekto. “Napakahalaga po ng proyektong ito dahil matagal nang walang maayos na canteen sa munisipyo. Sa bagong cafeteria, mas maayos na natin ngayong namo-monitor ang kalidad at kalinisan ng mga inihahaing pagkain. At dahil bahagi ito ng isang kooperatiba, nagagawa po naming mag-alok ng mas abotkayangpresyo para sa lahat.”
Sa bawat kainan at serbisyong hatid ng bagong cafeteria, ipinapakita ng bayan ng Dinalupihan na ang kanilang mga proyekto ay hindi lamang nakatuonsa imprastraktura, kundi sa pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng bawatmamamayan. Ito’y isang kwento ng serbisyo, pagbabago, at pag-asa—mga adhikaing patuloy na isinusulong ng kanilang pamahalaan.
#FeaturedLFPBataan #DILGBataan