Isinagawa ang isang technical at coaching session ng Lupong Tagapamayapa Incentives Awards (LTIA) ngayong ika-7 ng Agosto sa The Bunker bilang bahagi ng mga paghahanda para sa nalalapit na pambansang pagsusuri sa susunod na linggo.
Ito ay pinangunahan ng LTIA Regional Awards Committee (RAC) na nagbigay gabay sa bawat barangay batay sa kanilang naipanalong kategorya sa panrehiyong antas: ang Barangay Cupang Proper (Balanga) sa 1st to 3rd Class City Category; Barangay Mulawin (Orani) sa 1st to 3rd Class Municipality Category; at Barangay Sta. Lucia (Samal) sa 4th to 6th Class Municipality Category. Kabilang sa mga dumalo ay sila Punong Barangay (PB) Alicia Sacdalan, PB Marvin Dela Cruz, at PB Ruperto Forbes bilang chairman ng kani-kanilang lupon.
Nagbigay din ng suporta sina DILG Bataan Provincial Director Belina Herman, Cluster Head Cristy Blanco, Balanga CLGOO Mildred Sazon, Orani MLGOO Catherine Aduna, Samal MLGOO Haidee Balicolon, Program Manager Danilyn Peña, LTIA Focal Person Joanna Marie Cruz, at LGOO II Vangie Rodriguez.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may mga nominasyon ang lalawigan sa lahat ng tatlong kategorya para sa darating na onsite LTIA national validation, na nagpapakita ng dedikasyon at pagsisikap ng mga lupon sa kanilang barangay.