Sa patuloy na pagsusumikap ng lokal na pamahalaan na mapabuti ang mga serbisyong ibinibigay sa mga mamamayan, pinasinayaan ngayong araw, Mayo 13, 2024, ang bagong Municipal Cafeteria sa bayan ng Dinalupihan. Ang proyektong ito ay pinondohan sa ilalim ng FY 2023 Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF).
Ang nasabing proyekto ay may kabuuang halaga na 1.8 milyong piso at naglalayong magsilbing pook-pahingahan at kantina hindi lamang para sa mga empleyado kundi maging sa mga residenteng may transaksyon sa munisipyo.
Nakiisa sa isinagawang pagpapasinaya ng proyekto si Pangalawang Punong-bayan Fernando Manalili, kasama si LGOO VI Cherryl Beltran at mga kinatawan mula sa DILG Bataan. Ang nasabing aktibidad ay sinaksihan din ng mga opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan.