TSLogo

Masterlist of Local Officials in Aurora Province

 

LOCAL OFFICIALS MASTERLIST 
Local Officials (2016-2019)
 Sangguniang Kabataan Officials 2018


 

BARANGAYAN M2.1

Kasama ng kasalukuyang administrasyon, ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal o ang DILG ay namamahala sa local na yunit na pamahalaan katulad ng mga probinsya, munisipyo at mga barangay.

Katuwang ang ibang mga ahensya, naglalayon din itong mapanatili ang kaayusan ng bansa at mapanatili ang seguridad ng mga mamamayan. Pinalalakas rin nito ang kahusayan ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng mga kasanayan, monitoring at pagsusuri, at pagkilala sa kagalingan sa iba’t ibang larangan ng lokal na pamamahala. Ito ang mga programa na may kinalaman sa Peace and Order, Anti-Drugs, Gender and Responsiveness, Violence Against Women and Children, Accountability and Transparency at Local Infrastructure.

Kaya naman ang DILG Aurora sa pangunguna ng Panlalawigang Patnugot na si Atty. Ofelio A. Tactac, Jr. CESO V ay patuloy na nagbabalangkas ng mga programa na tutulong sa mga lokal na pamahalaan lalong lalo na sa mga barangay. Kaugnay nito, matagumpay na naidaos ng DILG Aurora ang paglulunsad ng ikalawang Module ng Barangayan sa Aurora: Malasakit at Balangayan sa Pandemya.

Ngayong ika-10 ng Disyembre 2021, isinagawa naman ang MODULE 2 ng Barangayan kung saan tinalakay ang Strengthening of BPOCs, BADACs, BDOs and House Cluster Leaders. Pinangunahan ito ng DILG Aurora ADAC and POC Focal Person, LGOO V Madam Cassey N. Buenaventura sa patnubay ni PD. Tactac.

Sa kanyang panimulang mensahe, pinasalamatan ni Atty. Tactac ang mga lumahok na opisyal ng barangay sa initiatibong ito. Ayon sa kanya, “Kahit ngayong panahon ng Kapaskuhan sa gitna ng pandemya, ang DILG ay hindi titigil sa pagbibigay ng mga kaalaman. Karapatan ninyo ang ang makatanggap ng tama at lehitimong impormasyon na maipapasa ninyo sa inyong mga nasasakupan. Hindi hadlang ang pandemyang pinagdaraan ng mundo upang hindi natin tupdin ang ating mga sinumpaang tungkulin. Kaya nagpapasalamat ako sa inyo sa inyong pagbibigay ng panahon sa pagdalo sa programang ito. Nawa ay matuto tayo sa mga susunod pang kabanata ng daan na ito. At sabay sabay tayong tanawin ang bukas kung saan tayo ay magkakaroon ng Paskong hindi na natatakot sa nakaambang sakuna”

Dito binigyang diin ang Pagpapalakas ng Kapasidad ng mga Barangay Peace and Order Councils, Barangay Anti-Drug Abuse Councils, Barangay Development Officers at mga House Cluster Leaders ng mga Barangay sa Probinsya. Binigyan sila ng reorientation sa kanilang mga roles and functions sa kani-kanilang mga councils.

Para sa Module 2, naging tagapagsalita sina at G. Glen Guillermo, PDEA Information Officer, Region 3 at si PLT Analiza C. Angala, Deputy Community Affairs ng Aurora Police Provincial Office.

Ang Module 3 kung saan tatakayin naman ang Katarungang Pambarangay ay tinatayang maisasagawa sa Lunes, ike 13-ng Disyembre 2021.

Ang Barangayan sa Aurora ay programa na binalangkas ng DILG Aurora kung saan lilinangin ang kaalaman ng mga opisyal ng barangay sa pamamagitan ng mga serye ng online modules sa larangan ng Peace and Order, Anti-Illegal Drugs, Katarungang Pambarangay, at iba pa. Naglalayon ito na bigyang kalinangan at mas mapalawak pa ang kaalaman ng mga kasalukuyang nanunugkulan upang mas magampanan nila ang kanilang tungkulin sa kanilang mga Barangay.

Ang Barangayan sa Aurora ay binubuo ng anim na modules na inaasahang maisasagawa hanggang sa pagtatapos ng taon. Ang nasabing online modules ay binubuo ng mga sumusunod: [1] BIDA ang may Disiplina, Updates on Barangay Drug Clearing Program at Safety Seal Certification Program; [2] Strengthening of BPOCs, BADACs, BDOs and House Cluster Leaders; [3] Katarungang Pambarangay; [4 - 5] Formulation of the CBDRP and CSAR Program; at [6] Barangay ELCAC.

Sa unang bahagi ng CAPDEV series na ginanap noong ika-11 ng Agosto, 2021, kasamang lumahok ng mga opisyal ng barangay sa Aurora ang mga natatanging tagapagsalita na sina Dir. Jay E. Timbreza, OIC - Punong Tagapagpaganap, DILG Rehiyon 3; Gov. Gerardo A. Noveras, Punong Lalawigan, Lalawigan ng Aurora; Hon. Shierwin H. Taay, Punong Bayan - Dingalan, Aurora; at ni Ginang Blessie Talavero IA IV, Punong Tagapangasiwa ng PDEA Aurora.

Nagbigay daan din ang mga CAPDEV series na ito upang mas mabigyang kaalaman pa ang ang mga Barangay Officials patungkol sa Mandanas – Garcia Ruling at sa transition ng pamahalaan sa Full Devolution sa taong 2022. Ang mga serye ng recorded audio campaign materials patungkol sa Mandanas Garcia Ruling ay ipinanood din sa mga opisyal ng barangay nang sa gayon ay mas mabigyan sila ng karagdagang kaalaman patungkol sa transisyon na ito.

Ang episodes 1-4 ng Mandanas Garcia Ruling Radio Campaign na ipinalabas sa Barangayan Module 2 ay tumalakay sa petisyon nina Batangas Governor Hermilando Mandanas at dating Bataan Governor Enrique Garcia, Jr. na naglalayong ipatupad ng tama ang probisyon ng Saligang Batas at isama ang lahat ng koleksiyon at tax mula sa mga iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan sa pagkalkula ng National Tax Allotment (NTA) ng mga lokal na pamahalaan.

Kaugnay nito, tinalakay din na ang nasyonal na pamahalaan, sa pamamagitan ng DILG-Local Government Academy at ng iba pang mga ahensya ng gobyerno ay mangunguna sa pagbibigay ng technical assistance at mga capability development interventions katulad ng mga pagsasanay upang lalong maging epektibo ang pagpapatupad ng mga LGUs sa kanilang mga devolved functions and services.

Sa pagtatapos ng taon, tinatayang maisagawa ang huling module ng Barangayan sa Aurora kung saan ito ay magbibigay ng pagkilala sa kagalingan ng mga Barangays.

 corner

 pdscorners

Log-in Form

FOLLOW US ON