Lahat ng 18 City/Municipal Peace and Order Councils (POCs) sa Lalawigan ng Tarlac ay nakamit ang mataas na markang pagganap sa isinagawang table validation noong ika-15 ng Abril, taong 2024, sa tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal - Tarlac.

Ang Komite ng POC Provincial Audit na binubuo nina Dir. Armi V. Bactad, CESO V, PLTCOL Sonny S. Bitaga ng PNP Tarlac, IA III William M. Dulay ng PDEA Tarlac, FCINSP Ryan L. Pascual ng BFP Tarlac, JSSUPT Emily E. Bueno ng BJMP Tarlac, at si Gng. Jenna S. Panaligan ng Bigkis Task Force, Inc. ay nagsiyasat sa 18 lokal na POCs sa dalawang haligi - Functionality Indicators at Development Indicators.

Ang limang pangunahing LPOC na nakakuha ng pinakamataas na puntos ay ang mga sumusunod:

1. Bayan ng Capas

2. Bayan ng Santa Ignacia

3. Bayan ng Anao

4. Bayan ng Ramos

5. Bayan ng Concepcion

Sa pagtatasa, ang DILG, PDEA, PNP, BJMP, BFP, at ang katuwang na CSO ay nagbalangkas din ng mga rekomendasyon, ideya, at estratehiya upang palakasin pa ang kakayahan ng mga LGU sa programa ng kapayapaan at kaayusan na mga mahalagang salik ng pagsusuri.

Isa sa mga layunin ng nasabing pagsusuri ay tiyakin ang patuloy na pagpapabuti ng mga POC sa implementasyon, pagsubaybay, at pagtatasa ng mga aktibidad sa kapayapaan at kaayusan sa Lalawigan laban sa krimen, ilegal na droga, rebelyon, at mararahas na ekstremismo.

 

#SIKADTarlac

#TatagAtLakasNgTarlac

#TALAngTarlac

#TANGLAW

#TresTheBest

#MatinoMahusayatMaaasahan

 

PD's Corner

eLGRC Tarlac

eLGRC Logo2