Isinagawa ngayong araw, ika-22 ng Mayo, 2024 ang Table Validation ng Local Council on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children Functionality Assessment sa panlalawigang tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa Lungsod ng Tarlac. Layunin ng aktibidad na ito na tiyaking patuloy na nagagampanan ng mga lokal na pamahalaan sa buong lalawigan ang kanilang tungkulin na protektahan ang mga komunidad laban sa pagsasamantala sa mga pinaka-bulnerableng sektor ng lipunan.

Pinangunahan ng Provincial Inter-agency Monitoring Team (PIMT) ang pagsusuri. Kabilang sa mga lumahok ay sina Armi V. Bactad, CESO V na kinakatawan ni LGOO VI Henrielle Justeene A. Tuliao, Ma. Elena L. Jalos ng Provincial Social Welfare and Development Office, Atty. Cristina S. Lenon ng Department of Justice na kinakatawan Ms. Mary Jane O. Manaloto, Dr. Jeanette A. Lazatin mula sa Provincial Health Office, PCol. Miguel M. Guzman ng Tarlac Police Provincial Office na kinakatawan ni PLT. Edelaida C. Capili, Gng. Amelia Tuquero ng Rehoboth Children's Home, Inc, LGOO VI Maricar Janice C. Perez, LGOO II Jake Elridge D. Barbaso, at PEO I John Harold David.

Sa kabuuan, ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng Lalawigan ng Tarlac upang mapanatili ang kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan, lalo na ang mga kababaihan at kabataan na madalas nagiging biktima ng pang-aabuso at human trafficking. Patuloy ang pagsusumikap ng PIMT sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya upang magtagumpay sa adhikaing ito.

#SIKADTarlac

#TatagatLakasngTarlac

#TALAngTarlac

#MatinoMahusayMaaasahanatMapagkakatiwalaan

 

 

PD's Corner

eLGRC Tarlac

eLGRC Logo2