Bayan ng Santa Ignacia, Pinangunahan ang Inagurasyon ng Proyektong Kalsada sa Barangay Timmaguab
- Details
- Written by LGOO V Henrielle Justeene A. Tuliao
- Category: Publications
- Hits: 3525
Noong ika-2 ng Hulyo, pormal na pinasinayaan ng lokal na pamahalaan ng Santa Ignacia ang proyektong kalsada sa ilalim ng kanilang FY 2023 Seal of Good Local Governance (SGLG) - Incentive Fund Project ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal. Ang proyektong ito ay resulta ng mahusay at tapat na pamamahala sa bayan, sa pangunguna ni Punongbayan Nora T. Modomo.
Ang bagong kalsada sa Barangay Timmaguab, na pinondohan mula sa P1,800,000.00 na gantimpala ng lokal na pamahalaan sa SGLG, ay inaasahang magdudulot ng malaking benepisyo sa mga residente. Ang 185 metrong haba ng kalsada ay naglalayong magbigay ng maayos na access sa mga pangunahing serbisyo, lalo na sa sektor ng agrikultura.
Umaasa ang lokal na pamahalaan na ang proyektong ito ay magsisilbing simbolo ng tagumpay para sa bayan ng Santa Ignacia.
Ang matagumpay na inagurasyon ay pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng Santa Ignacia, kasama ang DILG Tarlac sa pangunguna ni Provincial Director Armi V. Bactad, CESO V, at ng Locally Funded Projects Team.