Nagdaos ngayong araw, ika-7 ng Agosto, ang Provincial Peace and Order Council (PPOC) ng isang provincial orientation bilang paghahanda para sa 2025 PEACE Markers: Provincial Excellence Awards for LGU Champions on Effective Implementation of Peace and Order and Public Safety Programs towards Sustainable Development of Communities. Layunin ng aktibidad na ito na ihanda ang mga lokal na Peace and Order Councils (POCs) sa iba't ibang pamantayan para sa prestihiyosong parangal na ito, at magbigay ng plataporma para sa mga talakayan at paglilinaw tungkol sa pagpapatupad nito sa susunod na taon.

Dinaluhan ng mga DILG Field Officers at mga miyembro ng mga lokal na POC sa buong lalawigan ng Pampanga, layon ng sesyon na tiyakin na ang lahat ng kinauukulan ay may sapat na kaalaman sa iba't ibang bahagi ng programa. Sa kanyang mensahe, sinabi ni Dir. Myra Moral-Soriano na ang isang mapayapang komunidad ay patungo na rin sa isang progresibong pamayanan.

Ang PEACE Markers, na pinangungunahan ni PPOC Chairperson Igg. Dennis Pineda, ay isasagawa upang kilalanin at bigyan ng insentibo ang mga lokal na pamahalaan na nagpapamalas ng natatanging pagsisikap sa pagsusulong ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng publiko sa kanilang mga komunidad.