Sumalang ngayon araw ang unang batch ng mga barangay tanods mula sa bayan ng Minalin para sa dalawang araw na pagsasanay bilang parte ng aktibidad na “DELTA: Developing Effective Law enforcement and Technical Abilities - a Drug Awareness Campaign cum Skills Enhancement Training for Barangay Tanods of 4th Class Municipalities of Pampanga.
 
Ang nasabing aktibidad ay inisyatibo ng Pampanga Provincial Peace and Order Council sa pangunguna ni Gob. Dennis G. Pineda katuwang ang DILG Pampanga at iba pang mga ahensya kabilang na ang PDEA, PNP, BFP at Commission on Human Rights.
Sa kanyang mensahe, binigyang pagkilala ni Dir. Myra Moral-Soriano, Pinunong Patnugot ng DILG Pampanga, ang kahalagahan ng mga Bantay Bayan lalo na pagdating sa pagpapanitili ng seguridad at katahimikan sa mga komunidad. Nagpasalamat din sya sa suporta at tulong ni Gob. Dennis Pineda at Bise-Gob. Lilia Pineda na nagbigay-daan upang maibigay ang training ng libre mula sa pondo ng POC.
Kasama sa dalawang araw na pagsasanay ang talakayan patungkol sa mga tungkulin at responsibilidad ng mga barangay tanod sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad, kampanya kontra droga, tamang pangangasiwa sa mga reklamong may kinalaman sa mga bata, kababaihan, indigenous people; pagtugon sa mga emergency, paggawa incident report, traffic assistance at iba pa.
Maliban sa bayan ng Minalin, magkakaroon pa ng dalawang batch ang naturang aktibidad na lalahukan ng mga barangay tanod mula sa bayan ng Sta. Rita, Sasmuan at Sto. Tomas.
Provincial Director's Message

1PD message

VIDEOS

Watching:
Loading Player...