Lungsod ng Malolos, Bulacan — Bilang bahagi ng patuloy na pagdiriwang ng DILG Bulacan sa Buwan ng Lokal na Pamahalaan, ginanap ngayong araw, ika-11 ng Oktubre, ang aktibidad na sumentro sa pagpapaunlad ng personalidad ng mga kawani ng tanggapan, ang “PAGYABONG: A Personality Development Seminar for DILG,” sa Mariano Ponce Hall, Hiyas ng Bulacan Convention Center.

Ang mga tinalakay ni Atty. Salvacion Baccay, CESO V, Director ng Public Affairs and Communication Service (PACS) ng DILG Central Office, ay patungkol sa pagiging epektibong kinatawan ng Departamento upang maipamalas ang tunay na “Matino, Mahusay, at Maasahang” pagkakakilanlan ng DILG.

Ang pagpapalakas ng kakayahan ng bawat kawani ay isang aktibidad na bahagi ng pasilidad ng Sub-Local Governance Regional Resource Center ng tanggapan o ng “ALAGWA Bulacan.”