TIGNAN | Pinangunahan ngayong araw ng DILG Bulacan at Pamahalaang Bayan ng San Ildefonso ang pagsasagawa sa KALINISAN sa Bagong Pilipinas Program kung saan inilunsad ito sa Brgy. Maasim sa pamumuno ni PB Maria Bella C. Rivera.

 Nagpamalas ang bawat isa ng pagkakaisa at matinding suporta sa programa upang mapanatili ang isang malinis at luntiang komunidad.

Layunin ng programa na maitaas ang antas ng kamalayan at partisipasyon ng mga residente at mahimok ang pamahalaang lokal na isulong ang mga programa at proyektong nakatutok ukol sa wastong pangangalaga ng kalikasan.