Nakiisa ang DILG Bulacan sa isinagawang unity walk ng Damayang Filipino Movement na may temang: Walk for Peace to Fight Drug Abuse. Ang nasabing gawain ay bahagi ng patuloy na implementasyon sa Lalawigan ng Bulacan ng Buhay Ingatan Droga'y Ayawan (BIDA) ng Kagawaran na naisakatuparan sa nagkakaisang pagtutulungan ng pribadong sektor, Pamahalaang Panlalawigan at mga piling Organisasyon ng Lipunang Sibil (CSOs). Dumalo rin sa nasabing gawain si Punong Lalawigan Daniel R. Fernando.
Sa kaniyang mensahe, pinasalamatan niya ang pakikipagtulungan ng pribadong sektor sa lokal na Pamahalaan ukol sa pagpapaigting ng adbokasiya ng pagsugpo sa ipinagbabawal na gamot at gayundin ay ibinahagi niya pagnanais ng Pamahalaang Panlalawigan na mapalakas pa ang mga programa nito na layong iwaksi sa isipan ng mga kabataan ang pagkalulong sa nasabing ilegal na bisyo.
Ang nasabing gawain ay patuloy na isasagawa sa iba't-ibang lokal na pamahalaan sa lalawigan upang mas lalong mapalakas ang adbokasiya laban sa bawal na gamot.