×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 23522

Sa isang makulay at makasaysayang tagpo, pormal na binuksan noong ika-8 ng Setyembre, 2023, ang pagdiriwang ng Singkaban Festival na may temang "Likas na Yaman, Kasaysayan at Kultura, Pangalagaan ating Pamana ". Ang pagdiriwang na ito ay pinangunahan nila Panauhing Pandangal Sen. Imee R. Marcos na kinatawan ni Bb. Eliza Romualdez-Valtos, kasama sina Punong Lalawigan Daniel R. Fernando, Ikalawang Punong Lalawigan Alexis C. Castro, at iba pang mga opisyal ng lalawigan.

 Kabilang sa mga dumalo at nagpakita ng suporta ay ang Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal, sa pangunguna ni Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia. Ang pagdiriwang na ito ay napuno ng sigla at kasiyahan matapos maiparada ang mga naggagandahan at makukulay na karosa na ibinida ng mga lungsod at bayan bilang sumasalamin sa pagkamalikhain at iba't-ibang talento ng mga Bulakenyo.

Ang Singkaban Festival ay hindi lamang maituturing na isang pagdiriwang, kung hindi ito ay nagsisilbi ring pambansang alaala ng kasaysayan at kultura ng lalawigan. Ito ay nagsisilbing daan upang magbigay pugay sa mga pamanang tradisyon at maipahayag ang pagpahalaga at pagmamahal ng bawat Bulakenyo sa ating lalawigan.