Isinagawa ang Lab for All: Laboratoryo, Konsulta at Gamot para sa Lahat, sa Lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan noong ika-11 ng Hulyo 2023. Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni First Lady Marie Louise "Liza" Araneta Marcos. Kabilang sa mga dumalo sa nasabing caravan ay sina Secretary of the Interior and Local Government Atty. Benjamin C. Abalos Jr., Kagawaran ng Kalusugan Undersecretary Enrique A. Tayag, Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan Secretary Rex T. Gatchalian, Bise Gobernador Alex C. Castro, Congresswoman Florida P. Robes at Punong Bayan Arthur B. Robes.
Tinatayang nasa 2,000 katao ang naging benepisyaryo at nakatanggap ng libreng serbisyo katulad ng laboratory tests, gamot, pagkain at konsultasyon. Ang Lab for All ay isang proyekto na naglalayong mailapit ang programa ng Gobyerno, lalo na sa usapin at aspektong pangkalusugan ng mga Pilipino sa iba't-ibang panig ng bansa. Sa ngayon ay nakatakda ring isagawa ang caravan na ito sa mga susunod na araw sa iba pang lalawigan sa Gitnang Luzon.