Noong ika-18 ng Enero 2023 ay nagsagawa ng isang pagpupulong ang Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa Brgy. Sapang Palay, Lungsod ng San Jose Del Monte, Lalawigan ng Bulacan. Ito ay upang magbigyang daan sa maagang pagguhit ng direksyon na tatahakin ng tanggapan sa taong 2023.
Noong ika-18 ng Enero 2023 ay nagsagawa ng isang pagpupulong ang Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa Brgy. Sapang Palay, Lungsod ng San Jose Del Monte, Lalawigan ng Bulacan. Ito ay upang magbigyang daan sa maagang pagguhit ng direksyon na tatahakin ng tanggapan sa taong 2023.
Kaugnay ng diwang ito, sinamantala ng tanggapan ang pagkakataon na muling bigyan ng oriyentasyon ang mga pampook na tagapagpakilos ukol sa mga isasagawang pagtatasa sa unang kwarter ng taon. Ito rin ay bunga ng isinagawang mga gawain noong buwan ng Disyembre noong nakaraang taon, upang alamin ang kalakasan at kahinaan ng tanggapan, at upang mabatid ang mga suporta na kinakailangan ng mga kawani. Isa ang nasabing oryentasyon sa mga natukoy na suhestiyon base sa nasabing mga gawain.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, CESO V ang lahat ng mga kawani ng tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa Bulacan para sa kanilang pagsisikap na mas maiangat ang estado ng tanggapan pagdating sa implementasyon ng mga programa at pagsusumite ng mga hinihinging ulat ng departamento. Hinggil dito, kaniya ring ipinagmalaki ang hindi maitatangging mabilis na pag-angat ng tanggapan pagdating sa nasabing mga pagsunod. Sa huli, kanyang hiniling sa mga kawani ng Panlalawigang Tanggapan na huwag isipin na ang mga tungkulin na kanilang ginagampanan ay trabaho lamang, kanyang iginiit na ibigay ng bawat isa ang kanilang puso sa bawat gawain na kanilang ginagampanan. Ang mensaheng ito ang nagsisilbing buod ng daang tatahakin ng tanggapan sa taong ito.
Ang aktibidad ay nagbigay-daan din na maipagmalaki at magsilbing halimbawa ang mga epektibo at mahuhusay na gawain, proyekto, at programa ng Pamahalaang Lungsod ng San Jose Del Monte. Batay sa kanilang presentasyon, tunay na sinasalamin ng kanilang mga prayoridad na proyekto at programa na may kaugnayan sa edukasyon at kalusugan ang kanilang popular na linyang "Pamahalaang mapagkalinga sa mamamayan tungo sa maunlad na bayan" Sa huli, hiniling naman ni Igg. Arthur B. Robes, Punong Lungsod, ang suporta ng tanggapan sa pagsusulong na maging Highly Urbanized City ang San Jose Del Monte.
Sa punto ring ito, nabigyan ng pagkakataon si LGOO VI Benedict M. Pangan, CLGOO ng San Jose Del Monte, Bulacan upang ibahagi ang mga mahuhusay at epektibong gawi ng kanilang tanggapan upang mas mapabilis ang implementasyon ng mga programa ng kagawaran. Samantala, binigyan din ng pagkakataon si LGOO VI Elaine D. Pagdanganan, MLGOO ng Bayan ng Marilao, Bulacan na ibahagi ang kanyang mga karanasan at mga epektibong istratehiya na kanyang natutunan sa loob ng tatlumpu't apat (34) na taon niyang paglilingkod sa kagawaran.