Upang mas mapabilis ang drug clearing operations sa lalawigan ng Pampanga, nagsagawa ang DILG Pampanga kasama ang mga tagapagsalita mula sa PNP at PDEA ng Reorientation on the Barangay Drug Clearing Program (BDCP) noong Agosto 11, 2022 na dinaluhan ng mga Punong Barangay, Barangay Chairperson on Peace and Order, at Barangay Secretary mula sa 118 drug-affected barangays ng probinsya.
Saklaw ng BDCP ang pagtugon sa problema sa droga sa pamamagitan ng sama-samang partisipasyon ng mga local government units, government agencies, at iba't ibang stakeholders ng national anti-drug campaign.
Sa kanyang mensahe, nanawagan si Dir. Myra Soriano na pagtulungan ang drug clearing program sa mga barangay upang maging drug-free na ang buong probinsya. Ipinaabot niya rin ang kanyang suporta at pangako sa kung ano mang tulong na kakailanganin ng mga opisyal ng barangay sa kampanyang ito.
Ang aktibidad na ito ay mula sa inisyatibo ng Pampanga Peace and Order na nakaangkla sa layunin na mas magiging pamilyar na ang mga barangay sa kanilang tungkulin at responsibilidad kaugnay ng programang ito at kampanya ng gobyerno laban sa mga ilegal na droga