Isang makabuluhang diskusyon ukol sa darating na Halalan 2022 ang inihandog ng ika-limang episode ng Talakayan Central Luzon.
Masusing ipinaliwanag ng mga tagapagsalita mula DILG R3 at COMELEC R3 ang mga panuntunan at resolusyon hinggil sa halalan. Tinalakay ni Regional Director Karl Caesar R. Rimando ng DILG R3 ang mahalagang gampanin ng DILG sa halalan at programang ipatutupad para sa mga bagong halal na opisyal. Samantala, malinaw na inilahad ni Assistant Regional Election Director Atty. Elmo T. Duque ng COMELEC R3 ang mga legal at ilegal na gawain tuwing kampanya, mga pinapayagang election activities at restrictions sa ilalim ng category level system ngayong panahon ng pandemic at mga sanctions para sa mga kandidatong lumabag sa panuntunan ng COMELEC.
Hinikayat ni Dir. Rimando at Atty. Duque na makiisa at makialam ang bawat Pilipino sa mga kaganapan patungkol sa eleksyon. Bukod pa rito, binigyang-diin ng mga tagapagsalita ang kahalagahan at tungkulin ng isang botanteng nag-iisip. Hangad ng DILG R3 at ng COMELEC R3 ang isang malinis at ligtas na Halalan 2022 sa darating na Mayo.