Alinsunod sa mandato ng Supreme Court na maibalik sa dating kaayusan at kalinisan ang Manila Bay, ang DILG Bataan ay nagsagawa ng "Provincial Orientation on the Implementation of the Barangay Environmental Compliance Audit (BECA)" noong Setyembre 23, 2021.
Ang lahat ng barangay sa Bataan ay sasailaim sa nasabing audit upang alamin ang estado ng kanilang compliance patungkol sa probisyon ng Republic Act No. 9003 o Ecological Solid Waste Management Program. Ilan sa indicators na hahanapin sa mga barangay ay ang pagkakaroon ng Barangay Solid Waste Management Committee, Materials Recovery Functionality, at mahigpit na pagpapatupad ng No Segregation, No Collection at No Littering Policies.
Pagkatapos ng nasabing assessment ay magtatanghal sa lebel na probinsyal ng tig-isang top performing barangay sa kategoryang panlungsod at pangbayan. Ang mapipiling mga barangay ay lalaban sa mga barangay sa ibang probinsyang sakop ng Manila Bay para sa rehiyonal na lebel.
Dinaluhan ang oryentasyon ng Punong Barangay, Secretary at SB member, ng 237 barangays sa Bataan, DILG Field Officers, at pinamahalaan ng DILG Bataan Provincial Office sa pangunguna ni PD Myra Moral-Soriano at suporta ni CTL Melissa Nipal.
Tumayong host naman si LGOO VI Allan Don Malonzo, Program Manager, at nagsilbing tagapagsalita ukol sa proseso ng audit sina ADAS II Russel Jasper Rabacio, Manila Bay Focal Person at LGOO II Donna Joy G. Nacar, na siyang kahalili nito.