Pinangunahan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahaaalang Lokal Rehiyon III, kasama ang mga kaagapay na Ahensya, ang Pangangasiwa ng Pambansang Pabahay (NHA) at ang Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman (DENR), ang pagsagawa ng oryentasyon sa Census at Tagging Tool para sa mga pamahalaang lokal na kabilang sa Manila Bay Watershed area, noong ika-13 at 14 ng Setyembre 2021.
Layunin ng nasabing oryentasyon ang maisaayos ang mga datos ng mga pamahalaang lokal sa mga informal settlers' families at magamit ang census and tagging tool para sa pagtatala ng mga pamilyang naninirahan sa loob ng Easement Areas (3 meters for urban areas, 20 meters for agricultural land and 40 meters for forest land) mula sa daanan ng tubig tulad ng ilog at sapa.
Ang pagsasagawa ng oryentasyon sa census at tagging ng mga kabilang na lokal na pamahalaan ay kasama sa proseso ng paglilipat ng mga informal settler families sa maayos na relocation site na naaayon sa Republic Act 7279 o Urban Development and Housing Act of 1992.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga Local Housing Board members and Manila Bay Focal Persons mula sa siyam napu't apat (94) na pamahalaang lokal sa Manila Bay Watershed.
Malugod na pinasasalamatan ng Kagawaran ang bawat kasaping ahensya at lokal na pamahalaan sa patuloy na pakikiisa at patuloy na pakikibahagi para sa kalinisan ng Manila Bay.