Sinimulan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) ng Aurora, sa pangunguna ni Atty. Ofelio A. Tactac, Jr. ang serye ng mga oryentasyon bilang paghahanda sa walong (8) Municipal Devolution Transition Committees ng Lalawigan para sa transisiyon ng buong bansa sa FULL DEVOLUTION sa darating na 2022. Naganap ito noong ika-15 ng Setyembre, 2021 sa pamamagitan ng Zoom Video Teleconferencing Platform.
Ito ay direktang kaugnay ng Mandanas-Garcia Supreme Court Ruling at sa nilagdaang Kautusang Tagapagpatupad na may bilang 138 series of 2021 ni Pangulong Duterte noong ika-1 ng Hunyo 2021 na may titulong Full Devolution of Certain Functions of the Executive Branch to Local Governments, Creation of a Committee on Devolution, and for other purposes.
Sinimulan ang mga gawaing alinsunod sa nasabing kautusang ehekutibo matapos pormal na lagdaan ang Joint Memorandum Circular (JMC) No. 1 ng Kagawaran ng Badyet at Pamamahala (DBM) at DILG, ito ay magbibigay gabay sa mga lokal na pamahalaan sa paghahanda sa kani-kanilang mga Devolution Transition Plans (DTP).
Ang nasabing aktibidad ay nahati sa dalawang sesyon. Ang unang sesyon ay nahati sa dalawang bahagi.
Ang unang bahagi ay ang Overview on the Roles of LGUs under Executive Order No. 138, s. 2021 na tinalakay ng mga tagapagsalita na mula sa DBM na si Bb. Jenina M. Pineda at G. Ariel P. Dayrit.
Ang ikalawang bahagi naman ng unang sesyon kung saan ang Mandanas-Garcia Petitions at ang naging desisyon ng Korte Suprema gayundin ang Executive Order No. 130 kaugnay dito ay tinalakay ng natatanging tagapapagsalita mula Pangrehiyong Tanggapan ng DILG at ang DTP Regional Focal Person na si LGOO V Paolo Israel S. Franco.
Dagdag pa rito, tinalakay din ang koneksyon ng pagkaka angkop ng mga plano mula sa National pababa sa lokal na lebel; ang mensaheng nilalaman ng full devolution; at ang Guidelines sa Paggawa ng LGU DTPs.
Ang ikalawang sesyon naman kung saan tinalakay ang mga Bahagi ng LGU Devolution Transition Plan ay pinangunahan ni PPDC Armida C. Palispis, Ph. D., En.P. mula sa Panlalawigang Pamahalaan ng Aurora.
Dito ay mababalangkas ang mga inisyatibo at gawaing pampamahalaang lokal patungo sa ganap na debolusyong magsisimula sa taong 2022. Ayon sa nasabing Joint Memorandum Circular, binibigyan ang mga bayan ng siyamnapung (90) araw at ang mga barangay ng animnapung (60) araw naman upang maisapapel ang kani-kanilang mga DTP.
Ito ay nilahukan ng mga kawani at opisyal mula sa iba't-ibang lokal na pamahalaan sa Lalawigan ng Aurora kabilang na ang mga Punong Bayan ng walong Munisipyo ng Aurora.
Kabilang sa mga naging tagapagsalita ay ang mga sumusunod na opisyal ng DILG Aurora na sina LGOO VII, Dennis A. Daquiz na tumalakay sa "THE LEADERSHIP ROLE IN CHAMPIONING CAPDEV AGENDA: LGU CapDev Framework and Agenda" at Session 2C.10: Monitoring and Evaluation of CapDev Implementation; LGOO VI Mary Joyce T. Bautista na binigyang diin ang Data Scoping and Data Collection: Review of Performance Assessment Tools and Local Plans at Session 2C.9: Legitimizing the CapDev Agenda; mga LGOO V na sina LGOO V Rossella P. Edillor, LGOO V Florenz Zaira Buenconsejo at LGOO V Madam Cassey N. Buenaventura; LGOO II Reyner L. Buenconsejo, at mga MLGOO na sina LGOO V Amado V. Angara, LGOO VI Jesus L. Vizconde at LGOO VI Melody E. Valdez na tumalakay sa mga sumusunod: Session 2C.2: LGU Context Analysis: Identifying the factors that contribute to the LGUs performance, Session 2C.4: Determine Performance Goals and Objectives, Session 2C.6: Prioritization of Capacity Development Interventions at Local Revenue Forecast and Resource Mobilization.
Si ADA IV Gerald Philip DC. Esteves, kasama si LGOO E Edillor naman ang naging tagapagpadaloy sa dalawang araw na programa.