PAGHAHANDA UKOL SA PARATING NA EL NIÑO TAMPOK SA IKALAWANG EPISODE NG GABAY SERYE NG DILG BULACAN
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: NEWS AND EVENTS
- Hits: 1313

Sa ikalawang episode ng ALAGWA Bulacan – Gabay Serye, pinangunahan ng DILG Bulacan ang paghahanda ng mga Bulakenyo sa parating na tagtuyot o El niño. Ang nasabing programa na umere noong ika-29 ng Mayo, 2023 ay naitampok sa pamamagitan ng The Roving Radio Station at naibahagi rin sa pamamagitan ng dalawa pang magkaibang media platforms.