Enero 31, 2025 | Pinangunahan ngayong araw ng DILG Bulacan, sa pangunguna ni PD Myrvi Apostol-Fabia, CESO V katuwang ang mga opisyal ng Brgy. Banga 1st, Plaridel, sa pamumuno ni PB Edwin M. De Dios para sa pagsasagawa ng 1st Quarter Manila Bay Clean-Up Activity.
Nasa animnapung (60) katao ang lumahok, kung saan limampung (50) kilo ng basura ang nakolekta. Bumida rin sa aktibidad ang mga iniligay na trash traps ng barangay na nagsisilbing harang sa mga kalat o basura na dumadaloy sa mga kanal o iba pang daluyan ng tubig ng barangay bago pa ito makarating sa baybayin ng Manila Bay. Napapanatili din nito ang maayos na daloy at kalinisan ng tubig na higit na makatutulong upang maiwasan ang pagbaha sa kanilang komunidad.
Ang aktibidad na ito ay isinasagawa upang isulong ang pagkakaisa at hikayatin ang mga mamamayan na magkaroon ng aktibong partisipasyon sa pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang mga tahanan at kapaligiran tungo sa pagkamit ng mas malinis, maayos, at progresibong pamayanan.