
TINGNAN | Bilang pakikiisa ng DILG Bulacan para sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan ngayong ika-12 ng Agosto, 2025, malugod na tinanggap ng Tanggapan si Bb. Jamelle Carmeli V. Agasid mula sa Guiguinto National Vacational High School (NVHS), Bayan ng Guiguinto. Si Bb. Agasid ay ang kinatawan na nagmula sa programang Boy/Girl Officials ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at magsisilbing Panlalawigang Patnugot ng DILG Bulacan katuwang ni PD Myrvi Apostol-Fabia, CESO V.
Layunin ng programang Boy/Girl na magbigay ng maagang karanasan sa mga kabataan ukol sa pamamahala, pamumuno, at pagseserbisyo sa mga komunidad. Sa pamamagitan nito ay nahuhubog ang mga kabataang Bulakenyo na maging disiplinado, mapagmalasakit, at handa bilang mga susunod na lider ng lalawigan.