TSLogo

 

 

facebook page

 

Alab ng Pagkilos, Igting ng Pagkakaisa: Mainit na Pagtangap ng DILG Bulacan kay Regional Director Araceli A. San Jose

Sa pagtatapos ng buwan ng Hulyo, matagumpay na isinagawa ng DILG Bulacan ang Ika-7 DILG Konek: The Provincial Team Conference sa Balagtas Hall, Hiyas ng Bulacan Convention Center, Lungsod ng Malolos. Layunin ng pagtitipong ito ang mas malalim na pagsusuri sa mga naging kaganapan sa nakaraang sangkapat, pagbabahagi ng mga pananaw at karanasan, at higit sa lahat, ang pagpapatibay ng koordinasyon at kolektibong pagkilos tungo sa mas epektibong paglilingkod.

Itinampok rin sa nasabing aktibidad ang mainit at buong-pusong pagtanggap ng DILG Bulacan kay Director Araceli A. San Jose, bilang bagong Regional Director ng DILG Region III. Sa kanyang kauna-unahang pakikipag-ugnayan sa lalawigan, pinangunahan ni RD San Jose ang interfacing session kasama ang mga C/MLGOOs at iba pang kawani ng DILG Bulacan. Dito, kanilang inilahad ang kasalukuyang kalagayan ng mga lokal na pamahalaan sa lalawigan, kabilang ang mga hamon, inobasyon, at mga kwento ng tagumpay sa kanilang mga nasasakupan.

Sa kanyang mensahe, pinuri ni RD San Jose ang hindi matatawarang dedikasyon ng DILG Bulacan. Aniya, "Kayo ang tunay na larawan ng isang lingkod-bayan—matino, mahusay, maaasahan, at may malasakit sa kapwa." Ang pagtitipon ay naging makabuluhang hakbang sa pagpapatuloy ng may malasakit at epektibong serbisyo publiko sa lalawigan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE
Untitled-2.png

 


Featured Video