TSLogo

 

 

facebook page

 

TINGNAN | Bilang pakikiisa ng DILG Bulacan para sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan ngayong ika-12 ng Agosto, 2025, malugod na tinanggap ng Tanggapan si Bb. Jamelle Carmeli V. Agasid mula sa Guiguinto National Vacational High School (NVHS), Bayan ng Guiguinto. Si Bb. Agasid ay ang kinatawan na nagmula sa programang Boy/Girl Officials ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at magsisilbing Panlalawigang Patnugot ng DILG Bulacan katuwang ni PD Myrvi Apostol-Fabia, CESO V.

PAGPAPALAKAS SA MGA LOKAL NA OPISYAL SA BULACAN, ISINAGAWA SA NEO PLUS PROGRAM

Sa pangunguna ng DILG Central Luzon, kasama ang DILG Bulacan, matagumpay na isinagawa ang Newly Elected Officials Performing Leadership for Uplifting Service (NEO PLUS) Program – Batch 2 noong Agosto 6–8, 2025 sa SMX Convention Center, Clark, Pampanga.

Kabataang Bulakenyo, Kaiisa sa Pagbabago: Paghalal sa mga Bagong Opisyales ng Boy Girl para sa taong 2025

Aktibong nakilahok ang DILG Bulacan sa Boy Girl Officials Election 2025 ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na ginananap nitong ika-5 ng Agosto, 2025 sa Balagtas Hall, Hiyas ng Bulacan Convention Center, Lungsod ng Malolos, Bulacan. Ito ay dinaluhan ng mga Boy Girl representative’s ng bawat bayan at lungsod sa Bulacan.

PNP Chief Torre, Bumisita sa Bulacan PPO; Itinampok ang 5-Minute Response Time at Modernisasyon ng Kapulisan

Camp General Alejo S. Santos, Lungsod ng Malolos, Bulacan — Sa layuning paigtingin pa ang serbisyo ng kapulisan sa lalawigan, bumisita si PNP Chief Police General Nicolas D. Torre III ngayong araw, ika-6 ng Agosto, sa Bulacan Police Provincial Office (PPO) sa Camp General Alejo S. Santos upang saksihan ang seremonyal na paglilipat ng mga bagong drones at radio communication devices na handog ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan.

HAKBANG TUNGO SA MAKABULUHANG PARTISIPASYON: ORYENTASYON PARA SA CSO ACCREDITATION, ISINAGAWA NA

Ngayong araw, sa pangunguna ng DILG Bulacan, isinagawa ang oryentasyon kaugnay ng nalalapit na CSO Accreditation at pagpili ng mga kinatawan sa mga Local Special Bodies (LSBs) para sa lahat ng lokal na pamahalaan sa lalawigan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE
Untitled-2.png

 


Featured Video