Vice Mayor Ferdinand Estrella, Bagong Pangulo ng VMLP-Bulacan
Lungsod ng Malolos | Matagumpay na isinagawa ngayong araw, ika-1 ng Agosto 2025, ang halalan para sa bagong hanay ng mga opisyales ng Vice Mayors’ League of the Philippines (VMLP) – Bulacan Chapter para sa termino simula ngayong 2025 hanggang 2028.
Ang panlalawigang eleksyon ng liga ay pinangasiwaan ng DILG Bulacan sa pangunguna ni PD Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, alinsunod sa itinakdang panuntunan ng DILG Memorandum Circular No. 2025-059 na may layuning tiyakin ang malinis, maayos, at makabuluhang halalan sa hanay ng mga halal na opisyal.
Ang mga nahalal na opisyales ng VMLP para sa Terminong 2025-2028:
• Pangulo: Igg. Ferdinance V. Estrella – Baliwag City
• Ikalawang Pangulo: Igg. Jhane E. Dela Cruz – Hagonoy
• Kalihim: Igg. Imelda DJ Cruz – Pulilan
• Ingat-Yaman Igg Alfredo B. Castro, Jr. – Paombong
• Auditor: Igg. Ariel P. Amador – Marilao
• Opisyal ng Relasyon ng Publiko: Igg. Imelda G. De Leon – Plaridel
• Board of Directors:
• 1st District
Igg. Aron Ronal R. Cruz – Bulakan
Igg. Zacarias Candelaria – Calumpit
• 2nd District
Igg. Martin SJ Angeles – Bustos
• 3rd District
Igg. Marita L. Flores – DRT
Igg. Chariz Cabande – San Ildefonso
• 4th District
Igg Rowell S. Rillera – Obando
Igg Josefina O. Violago – Meycauayan City
• 5th Distict
Igg. Mikee Jane P. Gonda – Balagtas
Igg. Crispin DL Castro – Pandi
• 6th District
Igg Roberto B. Perez – Santa Maria
Igg Giulius Ceazar Lapino – Norzagaray
• Lone District of San Jose Del Monte
Hon. Arlene B. Arciaga – City of San Jose Del Monte
Matapos ang halalan, agad na isinagawa ang seremonyal na panunumpa ng mga bagong halal na opisyales sa pangunguna ni PD Fabia na dinaluhan ni Interim President, VM Sherwin Tugna at ng dalawampu’t apat na Ikalawang Punong Lungsod at Bayan sa lalawigan.
Sa pagtatapos ng aktibidad ay kapwa naghayag ng pagkakaisa at buong pusong suporta ang VMLP at DILG Bulacan sa pagtaguyod ng mga lehisturang higit na makapagpapatibay sa implementasyon ng mga proyekto at programa ng Kagawaran tungo sa pagsulong ng mabuting pamamahala ng mga lungsod at bayan sa mga susunod na taon.