TSLogo

 

 

facebook page

 

TINGNAN | Nagsagawa ng agarang pagpupulong ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) sa pangunguna ni Gob. Daniel Fernando, ngayong araw, Hulyo 23, 2025, upang talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng lalawigan kaugnay ng pananalasa ng bagyong Crising at hanging habagat na nagdulot ng pagbaha sa mga lungsod at bayan sa Bulacan.

Tinalakay sa pagpupulong ay ang kasalukuyang lagay ng panahon, pati na rin ang mga disaster at evacuation updates sa lalawigan. Kabilang rin sa naging paksa ay ang masusing pagsusuri ukol sa pinsalang dulot ng pagbaha sa iba’t-ibang sektor sa pamamagitan ng Rapid Damage Assessments upang maging batayan sa pagdeklara ng State of Calamity (SOC).

Layunin ng pagpupulong na ito na mas palakasin ang koordinasyon ng mga miyembro ng PDRRMC upang patuloy na matiyak ang kaligtasan at agarang matugunan ang pangangailangan ng mga Bulakenyo na lubos na nasalanta ng pagbaha at malalakas na pag-ulan dulot ng bagyo at habagat.

 


Featured Video