TINGNAN | Isinagawa ngayong araw, ika-25 ng Abril, 2025, ang Provincial Exit Conference na pinangunahan ng DILG Bulacan, kasama ang Provincial Inter-Agency Monitoring Task Force (PIMTF), mga miyembro ng Local Council for the Protection of Children (LCPC) at Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children.
Layunin ng aktibidad na ito na talakayin ang mga naging resulta ng isinagawang pagtatasa sa mga lokal na konseho at komite, kabilang na ang mga natukoy na findings at mga rekomendasyong magagamit upang mapalakas pa ang kanilang pagganap. Gayundin, ang pagpupulong ay nagsilbing plataporma upang mas mapaigting pa ang kahalagahan ng koloborasyon at kooperasyon para sa mas ligtas, maayos, at makataong lokal na pamahalaan.