TSLogo

 

 

facebook page

 

 

Ngayong araw, pinangunahan ng Panrehiyon at Panlalawigang Inhinyero ng Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ang inspeksyon sa mga proyektong “Construction of Health Station in Barangay Binuangan" at "Construction of Level III Potable Water Supply System in Barangay Salambao". Ang mga proyektong ito ay pinondohan sa ilalim ng F.Y. 2023 Support to the Barangay Development Program (SBDP) na nagkakahalaga ng Php 6,606,882.17 milyong piso kada proyekto.

Layunin ng mga proyektong ito na magbigay ng mas madaling akses sa serbisyong pangkalusugan at malinis na inuming tubig para sa mga residente ng Obando.

Isinagawa ngayong araw ng DILG Bulacan LFP Team ang inspeksyon sa dalawang mahalagang proyekto na "Construction of Two (2) Storey - Two (2) Classroom Building" sa barangay Saluysoy at Libtong, Lungsod ng Meycauayan. Ang mga proyektong ito ay pinondohan sa ilalim ng F.Y. 2023 Support to the Barangay Development Program (SBDP) na may kabuuang pondo na 6,606,882.17 milyong piso kada proyekto.

Sa pamamagitan ng SBDP, patuloy na itinataguyod ang mga proyektong magbibigay ng konkretong solusyon sa mga pangangailangan ng mga komunidad, lalo na sa sektor ng edukasyon. Ang mga ganitong inisyatiba ay mahalagang hakbang tungo sa pag-unlad at pag-angat ng bawat barangay.


Ipinagdiwang ngayong araw ang ika-126 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas na may temang “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan.” sa makasaysayang simbahan ng Barasoain, Lungsod ng Malolos.

 

Sumailalim sa ehekutibong kurso ng Incident Command System (ICS) ang mga lokal na opisyal ng lalawigan, pinuno ng mga departamento, at mga miyembro ng PDRRMC nang ika-11 ng Hunyo sa Lungsod ng Malolos, Bulacan. Kabilang sa mga paksang tinalakay ay ang panimula ukol sa ICS, organisasyon at mga pasilidad sa ICS, epektibong pamamahala sa mga planadong pagtitipon at mga insidente at ang mga pangkariwang responsibilidad ng mga ICS practitioners.

 

Ngayong araw, isinagawa ng DILG Bulacan LFP Team ang masusing inspeksyon sa proyektong "Upgrading of Farm-to-Market Road in Brgy. Borol 1st, Balagtas " na nagkakahalaga ng 6,606,882.17 milyong piso. Ito ay pinondohan sa ilalim ng F.Y. 2023 Support to the Barangay Development Program (SBDP).

Ang inspeksyon ay bahagi ng patuloy na pagtutok ng DILG sa pagpapatupad ng mga proyektong naglalayong mapabuti ang kalagayan ng mga kalsadang pang-agrikultura sa bayan ng Balagtas.


Opisyal nang magagamit ang isang pick-up electric rescue vehicle ng bayan ng Doña Remedios Trinidad, matapos itong pormal na pasinayaan ngayong araw, ika-7 ng Hunyo 2024. Ang proyektong ito ay insentibo ng lokal na pamahalaan sa pagpasa sa Seal of Good Local Governance (SGLG) 2023, na nagkakahalaga ng 1,800,000 piso.

Ang nasabing pasinaya ay dinaluhan nina Regional Director Atty. Anthony C. Nuyda, CESO III, Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, Punong Bayan Igg. Ronaldo T. Flores, Bise Alkalde Igg. Marita L. Flores, MLGOO Maria Christine De Leon, mga pinuno ng iba't-ibang departamento at mga kawani ng lokal na pamahalaan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video