TSLogo

 

 

facebook page

 


Sa ilalim ng direktiba ng Department of the Interior and Local Government (DILG) alinsunod sa Memorandum Sirkular blg. 2024-053, matagumpay na naisagawa sa dalawampu’t apat (24) na lokal na pamahalaan ng Bulacan ang malawakang Barangay Road Clearing Operations (BaRCO) onsite validation na nagsimula noong ika-24 hanggang ika-29 ng Hunyo taong kasalukuyan.
Sa pamumuno ni Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia, katuwang ang iba’t-ibang ahensya na bumubuo sa Composite Validation Assessment Task Team (CVATT), ang nasabing operasyon ay naging bunga ng maayos na koordinasyon at pagtutulungan kasama ang mga opisyal ng mga barangay upang sama-samang alisin ang mga sagabal sa mga lansangan at kalsada. Bahagi ng kampanya ng nasabing programa ang pagtanggal sa mga ilegal na istraktura, mga nakaparadang sasakyan, at iba pang mga hadlang upang magkaroon ng maginhawang pagdaan ng mga motorista.
Ang Barangay Road Clearing Operations (BaRCO) ay maigting na ipinatutupad kasabay ng layunin ng pamahalaan na magkaroon ng malinis at ligtas na komunidad para sa bawat mamamayang Pilipino.

 

DILG Bulacan together with other National Government Agencies (NGAs), Local Resource Institutes (LRIs), and Partners convened on June 28, 2024 for the 2nd Quarter MSAC meeting.

The said meeting paved the way to highlight the best practices of the council and also to discuss the concerns and future proposed programs of the MSAC, which includes the engagement and collaboration with Provincial Government of Bulacan, Department of Education, and Bulacan State University in the use of physical and e-libraries. Likewise, to promote a knowledge-centric learning, the Gabay Serye — one of the initiatives under ALAGWA of DILG Bulacan, will be used to intensify the dissemination of the latest developments and information of the different agencies and partners of the MSAC.

 

Ngayong araw, isinagawa ng DILG Bulacan LFP Team ang masusing inspeksyon sa proyektong "Improvement of Farm-to-Market Road" sa barangay Matimbo at Bagna, Lungsod ng Malolos. Ito ay pinondohan sa ilalim ng F.Y. 2023 Financial Assistance to Local Government Units (FALGU) na nagkakahalaga ng Php 5,000,000.00 kada proyekto.

Ang inspeksyon na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng DILG na tiyaking maayos at epektibong naipapatupad ang mga proyektong naglalayong mapabuti ang kalagayan ng mga kalsadang pang-agrikultura sa Lungsod ng Malolos.

 

HUNYO 24, 2024 | Inilunsad ang kauna-unahang Paleng-QR PH Plus sa Pulilan Public Market, Brgy. Cutcot, Pulilan, kung saan 100% na ng mga tindahan ang gumagamit ng GCash.

Ang Paleng-QR PH Plus ay programa ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na naglalayong mapabilis at maging moderno ang paraan ng pagbabayad sa mga pamilihan at pampublikong transportasyon sa bisa ng Joint Memorandum Circular 2022-01. Kasama ang mga Financial Service Partners gaya ng LandBank, Producer’s Bank, GCash, at Maya, maari nang mamili ang mga konsumer gamit ang QR Code feature sa pagbabayad.


The DILG Regional and Provincial Monitoring Team conducted the on-site monitoring of the implementation of the eLGU System in the Municipalities of Balagtas, Bulakan, Bustos, Bocaue, and Hagonoy. The Electronic Local Government Unit (eLGU) System aims to streamline public services through a digitize public transactions. The on-site monitoring aimed to oversee the utilization, initiatives, and current flow of service delivery of the LGUs, particularly in the offices of Business Permit and Licensing Office (BPLO), Municipal Civil Registrar (MCR), Municipal Treasurer’s Office (MTO), and Information and Technology Office (ITO).


This initiative is a collaborative effort of the DICT, DILG, and ARTA in enhancing the public service delivery, aiming for a more efficient, transparent, and citizen-centered governance system.


Sa pangunguna ng DILG Bulacan ay matagumpay na naibahagi ang ikasampung episode ng Gabay Serye kung saan ay itinampok ang paksamg Barangay Road Clearing Operations (BarCO), ngayong araw, ika-19 ng Hunyo, 2024.

Ang talakayan ay pinangunahan ni LGOO V Juan Karlo Punzalan at ADA IV Morris Jorge C. Roque, kung saan ay kanilang ibinahagi ang mga impormasyon, mga ilang paalala at tagubilin bilang paghahanda sa nalalapit na pagtatasa para sa BaRCO na isasagawa ngayong ikalawang sangkapat. Ang hakbangin na ito ay bahagi ng pagnanais ng Panlalawigang Tanggapan na maging malinaw ang lahat ng detalye at matulungan ang mga pamahalaang lokal para sa Implementasyon at pagtatasa ng naturang programa.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video