TSLogo

 

 

facebook page

 

Agosto 22,2023: Ngayong araw, isinagawa ang Retooled Community Support Program (RCSP)- Ugnayan sa Barangay at Serbisyo Caravan sa Sitio Pinag-anakan, Barangay Kabayunan, Doña Remedios Trinidad (DRT).

TINGNAN | Bumisita ang mga kawani ng Panrehiyong Tanggapan sa DILG Bulacan ngayong ika-22 ng Agosto, 2023, upang magbigay ng gabay at kaalaman patungkol sa mga transaksyon at iba’t-ibang aspekto ng mga pinansyal at administratibong gawain. Kabilang rin sa mga natalakay sa aktibidad na ito ay ang mga pagbabago sa ibang alituntunin at polisiya ng Kagawaran para sa mas epektibo at mabilis na pagtugon sa mga pangagailangan ng mga pamahalaang lokal. Kabilang sa mga kawani na nagbahagi ng administratibong paggabay ay sina Acct. III Jean Hazel B. Mercado, HRMO III Crystal Joy C. Pineda, HRMO II Mary Lady Queen T. Tayag, at ADAS III Rosalie M. Dumana.

Agosto 20, 2023- Nakiisa ang DILG Bulacan sa isinagawang unity walk ng Damayang Filipino Movement na may temang: Walk for Peace to Fight Drug Abuse. Ang nasabing gawain ay bahagi ng patuloy na implementasyon sa Lalawigan ng Bulacan ng Buhay Ingatan Droga'y Ayawan (BIDA) ng Kagawaran na naisakatuparan sa nagkakaisang pagtutulungan ng pribadong sektor, Pamahalaang Panlalawigan at mga piling Organisasyon ng Lipunang Sibil (CSOs).

Sa patuloy na pagtupad ng Departamento sa layunin na makapagbigay ng mahusay at tapat na serbisyo para sa bawat Bulakenyo, ika-18 ng Agosto, 2023 ay personal na nagtungo ang mga kinatawan ng Panlalawigang Tanggapan upang bisitahin at inspeksyunin ang natapos na rehabilitasyon ng proyektong kontra baha sa Brgy. Saluysoy, Meycauayan.

TINGNAN | Nagtipon-tipon ngayong araw, ika-18 ng Agosto, 2023, ang mga miyembro ng Provincial Awards Committee (PAC) upang isagawa ang inisyal na balidasyon ng mga naisumiteng dokumento ng mga sangguniang bayan at panlungsod ng lalawigan para sa Local Legislative Award (2023). Kabilang sa mga dumalo sa gawaing ito ay ang mga pinuno at kinatawan mula sa Liga ng mga Bise Alkalde sa Pilipinas (VLMP), Panlalawigang Tanggapan ng Kagalingan at Pagpapaunlad ng Kaginhawaang Panlipunan (PSWDO), Panlalawigang Tanggapan ng Badyet (PBO), Panlalawigang Tanggapan ng Agrikultura (PAO), at Panlalawigang Tanggapan ng Kapaligiran at Kalikasan (BENRO).

AGOSTO 10, 2023 | Upang mas mapabilis ang implementasyon ng mga proyekto sa ilalim ng Support to Barangay Development (SBDP) at mabigyang kasagutan ang mga katanungan at problema ng mga piling barangay, isinagawa ang pagpupulong patungkol sa pagsusumite ng mga kinakailangang dokumento sa ilalim ng FY 2023 Support to Barangay Development Program. Ang aktibidad na ito ay dinaluhan ng mga kawani mula sa Kagawaran at ilang mga kinatawan mula sa lokal na pamahalaan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video