- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 4507

MAYO 20, 2024 - Muling nagsama-sama ang mga kawani ng DILG Bulacan, sa pangunguna ni Panlalawigang Patnugot, Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, para sa ikalimang DILG KONEK: Ang Panlalawigang Pagpupulong na ginanap sa Pandi, Bulacan.
Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang mga detalye at paghahanda para sa mas maayos at mas komprehensibong pagtatasa ng mga lokal na pamahalaan para sa Good Local Governance (SGLG) at Seal Good Local Governance for Barangay (SGLGB) 2024. Kasabay din sa nasabing pagpupulong ang pag-uulat tungkol sa estado ng pagsunod at ilang mga paalala para sa mga kinakailangang pagsunod ng mga lokal na pamahalaan.
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 4495

Ngayong araw, isinagawa ng DILG Bulacan LFP Team ang masusing inspeksyon sa mga sumusunod na proyekto sa ilalim ng F.Y. 2023 Financial Assistance to Local Government Units (FALGU):
1. Improvement of Farm-to-Market Road in Angat, Bulacan - Nagkakahalaga ng Php 10,000,000.00; at
2. Improvement of Farm-to-Market Road in Barangay Binagbag, Angat, Bulacan - Nagkakahalaga ng Php 5,000,000.00.
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 4611

- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 4351

MAYO 14, 2024 | Pinangunahan nina Punong Lalawigan Daniel R. Fernando , Pangalawang Punong Lalawigan Alexis Castro at DILG Bulacan Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia, CESO V at mga kasapi ng Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) at Provincial Task Force- End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC), ang pinagsamang pagpupulong na ginanap sa Pavillion, Hiyas ng Bulacan Convention Center.
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 4906

Ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) sa Bulacan ay nakiisa sa pag gunita ng Pandaigdigang Memoryal ng Pagsindi ng Kandila para sa mga biktima ng HIV-AIDS na isinagawa noong ika-6 ng Mayo, 2024 sa Hiyas Pavillion, Hiyas ng Bulacan Convention Center, City of Malolos, Bulacan.
Sa pamamagitan ng makabuluhang gawaing ito, ipinapahayag ng DILG Bulacan ang kanilang suporta at pagpapahalaga sa mga naapektuhan ng HIV habang patuloy na nakikiisa sa mga programa para sa isang lipunan na malaya mula sa diskriminasyon at stigma.
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 5125

Buong galak na ipinagmamalaki at binabati ng Tanggapan ng DILG Bulacan ang pagkilalang natamo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan bilang Gender and Development (GAD) Local Learning Hub 2024-2027 na iginawad ng Philippine Commission on Women (PCW) noong ika-17 ng Abril, 2024 sa Metro Manila.
Kabilang din sa mga pagkilalang iginawad ng PCW sa Lalawigan ang pagiging GAD LLH 2024-2027 ng mga sumusunod:
Read more: PG Bulacan, Kinilala bilang GAD Local Learning Hub 2024-2027