TSLogo

 

 

facebook page

 

AREGLO 2.0: Pagpapalakas ng Kakayahan ng mga Natatanging Lupon tungo sa Epektibong Pangangasiwa ng Katarungang Pambarangay

Hulyo 8, 2025 | Sa pangunguna ng DILG Bulacan, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at Liga ng mga Barangay(LnB) ay matagumpay na isinagawa ngayong araw ang programang AREGLO 2.0: A Reorientation on Effective Governance in the Barangay through Legal Operations of Katarungang Pambarangay for Select Lupon Tagapamayapa of Bulacan, sa Hiyas ng Bulacan Convention Center, Lungsod ng Malolos.

Kabilang sa mga tinalakay sa programa ay ang proseso nang pangangasiwa ng Katarungang Pambarangay (KP) kabilang ang mediation, conciliation at arbitration, paghahanda para sa Lupong Tagapamayapa Incentives Awards (LTIA) 2026, pati na rin ang mga iba’t-ibang kaso na idinudulog sa mga lupon at ang wastong pamamaaraan sa pagresolba ng mga kasong idinudulog sa mga barangay. Bilang bahagi ng programa, nagkaroon din ng pagkakataon ang mga mahuhusay na lupon na ibahagi ang kanilang epektibong mga pamamaraan o best practices sa pagpapatupad ng KP at upang maging inspirasyon sa iba pang mga barangay ng lalawigan.

Ang aktibidad ay pinangunahan nina PD Myrvi Apostol-Fabia, Vice Governor Alex Castro, Igg. Fortunato SJ Angeles, Pangulo ng LnB Bulacan, Atty. Nikki Coronel mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at dinaluhan ng 420 na lupon members sa lalawigan.

Ang AREGLO 2.0 ay bahagi ng inisyatibo ng DILG Bulacan sa ilalim ng LGRRC-Linang, isa sa mga pasilidad ng Alagwa Bulacan na naglalayong palakasin ang kapasidad at kakayahan ng mga barangay para sa agarang pagsasaayos ng mga hidwaan o alitan ng kanilang mga nasasakupan.

 


Featured Video