TSLogo

 

 

facebook page

 

Paghahanda sa Nalalapit ng Balik-Eskwela ngayong Hunyo, Tinalakay sa Pinagsamang Pulong ng PPOC, PADAC, at PTF-ELCAC

Malolos, Bulacan | Sa nalalapit na pagtatapos ng Ikalawang Sangkapat ng taon ay ang hudyat ng simula ng panibagong Taong Panuruan para sa mga guro at mga mag-aaral. Bilang paghahanda para sa pagbabalik eskwela ng mahigit kumulang 577,904 na mga estudyante sa 798 na mga paaralan sa lalawigan ng Bulacan, inilatag ang mga paghahandang isinasagwa sa ginanap na Pinagsamang Pulong para sa Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC), at Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC), Hunyo 13, 2025.

Sa nasabing pagpupulong ay nangako ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na pagtulong-tulungan na matugunan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral at ng mga paaralan upang bigyang lunas ang mga suliranin na maaaring harapin sa pagbubukas ng klase. Kabilang sa mga tinalakay ay ang pagsiguro sa maayos na kalagayan ng nga eskuwelahan kasama ang pagkakaroon ng malinis na tubig, daloy ng trapiko, pati na rin ang paghahanda ng PNP upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral.

Kasama din sa tinalakay sa pagpupulong ang ulat ukol sa crime at insurgency situation ng lalawigan para sa unang anim na buwan ng taon na ibinahagi ng PNP, AFP at PDEA, kung saan ay naitala ang Zero Percent Crime Incident Rate ng Lalawigan ng Bulacan sa mismong araw ng Eleksyon.

Sa huli, nagpahayag ng pasasalamat si Gob. Fernando para sa pagtatapos ng termino 2022-2025, aniya “malaking tulong ang PPOC/PADAC para matiyak ang kapayapaan at kaligtasan ng mga Bulakenyo". Kanya din hinikayat ang bawat miyembro ng PPOC, sa pagsisimula ng panibagong termino, ng kanilang suporta at pakikiisa sa mga programa at hangarin ng pamahalaan upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan at kaligtasan ng lalawigan.

 


Featured Video