Kaugnay ng mga kasanayan at mentorship programs na sinimulan ng Pangrehiyong Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan sa pakikipagtulungan sa Philippine Disaster Resilience Foundation (PDRF) noong taong 2020, ang Tanggapan ng Panlalawigang Patnugot ng Kagawaran sa Aurora sa pangunguna ni Atty. Ofelio A. Tactac, Jr. CESO V ay nagsagawa ng Public Service Continuity Planning Workshop and Formulation, noong Biyernes, ika-27 ng Agosto, 2021, 9:00 ng umaga sa AMCO Beach Resort at sa pamamagitan din ng Zoom Online Platforms.
Isinabay din sa blended learning na pagpupulong-kasanayan na ito ang buwanang panglalawigang pagpupulong (PTC) ng DILG Aurora para sa buwan ng Agosto kung saan tinalakay at binigyang pansin ang mga sumusunod: (1) SPMS Performance Online Monitoring System; (2) OPCR for the Second Semester; (3) Transition to Full Devolution Barangay and Municipal Planning and Scheduling; (4) Updates on the QMS; (5) Updates on the SCFLGA; (6) CAPDEV Agenda of LGUs at, (7) Accomplishment of Aurora on the Devolution Transition Communication Plan.
Ito din ay pinaunlakan at dinaluhan ni OIC - Tagapagpaganap Dir. Jay E. Timbreza ng Panrehiyong Tanggapan, kung saan ang huli ay nagbigay ng makabuluhang mensahe ng inspirasyon sa mga kawani ng DILG Aurora.
Ang pormulasyon ng PSCP ay pinangunahan ni LGOO VI Jonnie L. Glorioso na siya ring pangunahing tagapagsalita.