bsa0

Kasama ng kasalukuyang administrasyon, ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal o ang DILG ay Kagawaran na namamahala sa local na yunit na pamahalaan katulad ng probinsya, munisipyo at mga barangay.

Katuwang ang ibang mga ahensya, naglalayon din itong mapanatili ang kaayusan ng bansa at mapanatili ang seguridad ng mamamayan. Pinapalakas rin nito ang kahusayan ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng mga kasanayan, monitoring at pagsusuri, at pagkilala sa kagalingan sa ibat ibang larangan ng lokal na pamamahala. Ito ang mga programa na may kinalaman sa Peace and Order, Anti-Drugs, Gender and Responsiveness, Violence Against Women and Children, Accountability and Transparency at Local Infrastructure.

Kaya naman ang DILG Aurora sa pangunguna ni pangunguna ng Panlalawigang Patnugot na si Atty. Ofelio A. Tactac, Jr. CESO V ay patuloy na nagbabalangkas ng mga programa na tutulong sa mga lokal na pamahalaan lalong lalo na sa mga barangay. Kaugnay nito, matagumpay na naidaos ng DILG Aurora ang paglulunsad ng Barangayan sa Aurora: Malasakit at Balangayan sa Pandemya kahapon, ika-11 ng Agosto, taong kasalukuyan.

Pinasalamatan ni Atty. Tactac ang mga lumahok na opisyal na barangay sa initiatibong ito. Ayon sa kanya, “Ang Kagawaran ay hindi titigil sa pagbibigay ng mga kaalaman. Karapatan ninyo ang ang makatanggap ng tama at lehitimong impormasyon na maipapasa ninyo sa inyong mga nasasakupan. Hindi hadlang ang pandemyang pinagdaraan ng mundo upang hindi natin tupdin ang ating mga sinumpaang tungkulin. Kaya nagpapasalamat ako sa inyo sa inyong pagbibigay ng panahon sa pagdalo sa programang ito. Nawa ay matuto tayo sa mga susunod pang kabanata ng daan na ito.”

bsa4

Ito ang bagong programa na binalangkas ng DILG Aurora kung saan lilinangin ang kaalaman ng mga opisyal ng barangay sa pamamagitan ng mga serye ng online modules sa larangan ng Peace and Order, Anti-Illegal Drugs, Katarungang Pambarangay, at iba pa. Naglalayon ito na bigyang kalinangan at mas mapalawak pa ang kaalaman ng mga kasalukuyang nanunugkulan upang mas magampanan nila ang kanilang tungkulin sa kanilang mga Barangay.

Ang Barangayan sa Aurora ay binubuo ng anim na modules na inaasahang maisasagawa hanggang sa pagtatapos ng taon. Ang nasabing modyul ay binubuo ng mag sumusunod: [1] BIDA ang may Disiplina, Updates on Barangay Drug Clearing Program at Safety Seal Certification Program; [2] Strengthening of BPOCs, BADACs, BDOs and House Cluster Leaders; [3] Katarungang Pambarangay; [4 - 5] Formulation of the CBDRP and CSAR Proogram; at [6] Barangay ELCAC.

bsa7

Kasama ng mga opisyal ng barangay sa Aurora, dinaluhan din ito ng natatanging tagapagsalita na sina Dir. Jay E. Timbreza, OIC - Punong Tagapagpaganap, DILG Rehiyon 3; Gov. Gerardo A. Noveras, Punong Lalawigan, Lalawigan ng Aurora; Hon. Shierwin H. Taay, Punong Bayan - Dingalan, Aurora; at ni Ginang Blessie Talavero IA IV, Punong Tagapangasiwa ng PDEA Aurora.

Nagbigay din ito ng pasulyap patungkol sa transition ng pamahalaan sa Full Devolution na may kaugnay ng Mandanas-Garcia Ruling sa taong 2022.

 PD CORNER EPC 2023