San Luis, Aurora – Bilang pakikilahok sa pambansang programang KALINISAN (Kalinga at Inisyatiba para sa Manilinis na Bayan), ang Barangay Zarah mula sa Bayan ng San Luis ang napili bilang panrehiyong “Showcase” nito lamang ika-04 ng Mayo, 2024.

Ang nasabing panlingguhang programa ay nilahukan nina Punong Bayan Ariel A. De Jesus, Pangalawang Punong Bayan Christopher A. Marzan, Pangulo ng Pambayang LnB Edwin Pineda, Miyembro ng Sangguniang Pambayan Limuel Donato, kasama din ang Patnugot Panlalawigan ng DILG Ener P. Cambronero, Kinatawan ng Pambayang Pulisya PLT Leonardo Quiben, Kawanihan ng Tagapangalaga Laban sa Sunog sa katauhan ni SFO 2 Dominador Tolentino, Pangulo ng Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan Hero Bihasa at nagbigay din ng pagsuporta ang Pambayang Tagapagpakilos ng Pamahalaan Local Melody Valdez at mga kawani ng DILG Aurora.


Sa mensahe ni Punong Bayan De Jesus, aniya, ang pagsama sa ganitong programa at adbokasiya ng pamahalaan na isang malawakang “clean-up” ay [oportunidad] upang mapanatili ang isang luntiang kapaligiran.
Sa pakikiisa sa nasabing programa, si Punong Barangay Lorna B. Cruz sampu ng mga miyembro ng Sangguniang Barangay ay binuhay ang konsepto ng bayanihan sa Barangay Zarah. Ito ay dinaluhan ng humigit kumulang na 162 kabarangay na binubuo ng mga Barangay Health Workers, miyembro ng 4Ps, St. Francis Cooperative, at mga residente.


Ang kabuuang koleksyon ng basura ay tumimbang ng animnapu't walong (68) kilo.

 PD CORNER EPC 2023