Skip to Home Skip to Content Skip to Site Map
  • GOVPH

  • Menu
  • Home
    • Other Links
    • Director's Corner
    • Site Map
    • Location Map
    • Other Article
  • About
    • Who We Are
    • Vision, Mission and Goals
    • Program Outcome Framework and Organizational Structure
    • Key Officials
    • Attached Agencies
    • FAQS
    • Frontline Services
  • Transparency @ Work
    • Notices to Public
    • Notice of Vacancies
  • LGUS
    • Cities
    • Municipalities
    • Facts and Figures
    • LGU Leagues
  • Contact Us
  • Home
  • Issuances
    • Memorandum Circulars
    • Legal Opinions
    • Joint Circulars
    • Republic Acts
    • Presidential Directives
  • News & Events
  • Publications
    • Scribe
  • You are here:
  • Home

Latest News

  • Stronger Together: DILG Tarlac Ends 2024 with a Festive Team Conference and Year-End Evaluation
  • DILG Tarlac Strengthens Urban Communities Through CUCPD Reorientation and Consultation
  • DILG Tarlac Leads 4th Quarter Clean-up Drive Under MBCURPP
  • 2025 CFLGA Orientations Reaffirms Tarlac's Commitment to Child Welfare
  • DILG Tarlac Conducts Zumba for This Week's Wellness Wednesday

Probinsyal na Pagpupulong para sa Buwan ng Abril, Isinagawa ng DILG Tarlac

  •  Print 
  • Email
Details
Written by PEO II Reignchil Kraizz Bactad
Category: NEWS AND EVENTS
Published: 26 April 2024
Hits: 1385

Matagumpay na nagsagawa ang DILG Tarlac ng Probinsyal na Pagpupulong o PTC ngayong Buwan ng Abril na may layong magbigay ng pagkakataon para sa mga kawani ng Kagawaran ng Interyor at Pamahaalang Lokal o DILG sa lalawigan ng Tarlac upang magtipon, magbahagi ng mga update, at magplano ng mga hakbang para sa hinaharap.

Sa naganap na pagpupulong ay binigyang pugay ni DILG Tarlac Provincial Director Armi V. Bactad, CESO V ang mga natanggap na pagkilala ng lalawigan mula sa iba’t ibang programa ng DILG sa mga nakalipas na linggo ngayong buwan. Ilan sa mga ito ay ang pagkamit ng tagumpay matapos makapasok sa TOP 10 na unang natapos na proyekto sa ilalim ng FY 2023 Seal of Good Local Governance – Incentive Fund ang tatlong munisipalidad sa buong bansa – Camiling (TOP 5), Tarlac City (TOP 7), Pura, (TOP 9).

Matagumpay na natapos ang buwanang pagpupulong nang may masusing talakayan at pagpaplano ng mga susunod na hakbang upang matugunan ang mga pangangailangan ng bawat lokal na pamahalaan.

 

#SIKADTarlac

#TatagatLakasngTarlac

#TALAngTarlac

#TresTheBest

#TANGLAW

#MatinoMahusayMaaasahan

 

Paglulunsad ng Proyekto ng FY 2023 SGLG-IF ng Bayan ng Camiling, Pinasinayaan ngayong araw!

  •  Print 
  • Email
Details
Written by PEO II Reignchil Kraizz Bactad
Category: NEWS AND EVENTS
Published: 26 April 2024
Hits: 555

Camiling, Tarlac - Idinaos ang inagurasyon ng proyekto ng FY 2023 Seal of Good Local Governance - Incentive Fund (SGLG-IF) sa lokal na pamahalaan ng Camiling ngayong araw.

Ang naturang proyekto ay inisyatibo ni Mayor Erlon C. Agustin para sa kaayusan ng Barangay Cayasan at Barangay Birbira, ito ay ang konkretong daan na pagpapatuloy ng proyekto ng SGLG-IF noong taong 2022.

Lubos ang pasasalamat ni Mayor Erlon C. Agustin sa Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal o DILG sa kanilang natanggap na karangalan matapos kilalanin bilang TOP 5 sa mga naunang natapos na proyekto sa ilalim ng FY 2023 Seal of Good Local Governance sa buong bansa.

Ang naturang inagurasyon ay dinaluhan ng DILG Regional Office III sa pamumuno ni DILG Regional Director Atty. Anthony C. Nuyda, CESO III, DILG Tarlac sa pamumuno ni DILG Provincial Director Armi V. Bactad, CESO V, at ng lokal na pamahalaan ng Camiling.

 

#SIKADTarlac

#TatagatLakasngTarlac

#TALAngTarlac

#TresTheBest

#TANGLAW

#MatinoMahusayMaaasahan

 

Proyekto ng FY 2023 SGLG-IF sa Lungsod ng Tarlac, Pinasiyaan

  •  Print 
  • Email
Details
Written by PEO II Reignchil Kraizz Bactad
Category: NEWS AND EVENTS
Published: 26 April 2024
Hits: 603

Tarlac City, Tarlac - Ngayong araw ay matagumpay na pinasinayaan ng lungsod ng Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles ang proyekto ng FY 2023 Seal of Good Local Governance Incentive Fund.

Bahagi ng kanilang flag ceremony ngayong araw ang turnover and acceptance ceremony ng naturang proyekto sa pangunguna ng DILG Tarlac.

Sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Tarlac City sa DILG Tarlac ay naisakatuparan ng lungsod ang pagkakaroon ng dalawang yunit ng passenger van na tinatayang nagkakahalaga ng P2,790,000.00.

Ang mga karagdagang sasakyan na ito ay naglalayong masubaybayan at matutukan ang katayuang panlipunan ng bawat Tarlakenyo sa lungsod.

Ang naturang proyekto ay nakatanggap ng pagkilala sa DILG bilang Top 7 sa mga naunang natapos na proyekto sa ilalim ng FY 2023 Seal of Good Local Governance Incentive Fund Projects sa buong bansa.

Ang inagurasyon ng dalawang yunit ng sasakyan ay dinaluhan ng DILG Tarlac sa pamumuno ni DILG Tarlac Provincial Director Armi V. Bactad, CESO V, at nang lokal na pamahalaan ng Tarlac City.

 

#SIKADTarlac

#TatagatLakasngTarlac

#TALAngTarlac

#TresTheBest

#TANGLAW

#MatinoMahusayMaaasahan

 

 

DILG Tarlac, Nagdaos ng Inspeksyon para sa Proyekto ng FY 2023 LGSF-FALGU ng Provincial Government of Tarlac

  •  Print 
  • Email
Details
Written by PEO II Reignchil Kraizz Bactad
Category: NEWS AND EVENTS
Published: 26 April 2024
Hits: 576

Tarlac City, Tarlac - Nagdaos ng inspeksyon ang DILG Tarlac para sa proyekto ng FY 2023 Local Government Support Fund – Financial Assistance to Local Government Units (LGSF-FALGU) ng Provincial Government of Tarlac. Ang naturang inspeksyon ay naglalayon na tiyakin ang kalidad ng proyekto na lubos mapapakinabangan ng mga Tarlaqueño.

Isinagawa ng DILG Tarlac ang komprehensibong inspeksyon para sa FY 2023 Local Government Support Fund – Financial Assistance to Local Government Units (LGSF-FALGU) sa proyektong “Purchase of Vehicle - (3) Units of Mini-Dump” ng lokal na pamahalaan ng probinsya ng Tarlac na naglalayong makatulong at magamit para sa konstruksyon ng kalsada at pagsasaayos ng mga basura.

Ang naturang inspeksyon ay dinaluhan ng DILG Tarlac sa pamumuno ni DILG Provincial Director Armi V. Bactad, CESO V, at ng lokal na pamahalaan ng probinsya ng Tarlac.

 

#SIKADTarlac

#TatagatLakasngTarlac

#TALAngTarlac

#TresTheBest

#TANGLAW

#MatinoMahusayMaaasahan

 

Gerona Balay Silangan Reformation Center Celebrates Graduation of Rehabilitated Individuals

  •  Print 
  • Email
Details
Written by LGOO II Ma. Garelyn D. Pangilinan
Category: NEWS AND EVENTS
Published: 26 April 2024
Hits: 601

Gerona, Tarlac - April 19, 2024 - Today marks a significant milestone for the Gerona Balay Silangan Reformation Center as it proudly celebrates the graduation of rehabilitated individuals. The ceremony, held at the Balay Silangan Reformation Center in Barangay Danzo, Gerona, Tarlac, is a testament to the dedication and commitment of all those involved in the rehabilitation process.

The event was graced by esteemed guests including DILG Cluster Leaders, LGOO VII Jeffrey S. Manalastas and LGOO VII Dennis A. Daquiz, PDEA - IA3 William M. Dulay, and PNP - Gerona COP Jaime B. Quiocho, Jr. alongside PLt.Col. Sonny S. Bitaga. Hon. Eloy C. Eclar, the Municipal Mayor, led the proceedings, emphasizing the importance of rehabilitation and community support in the journey towards reintegration.

Spearheaded by the Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Philippine National Police (PNP), and Municipal Planning and Development Office (MPDO), the graduation ceremony signifies the collaborative effort of various agencies and organizations in facilitating the rehabilitation and transformation of individuals.

The Balay Silangan Reformation Center serves as a beacon of hope and renewal for those seeking a second chance at life. Through comprehensive programs and dedicated support, it aims to empower individuals to reintegrate into society as productive and responsible citizens.

As we celebrate the achievements of the graduates, we also recognize the ongoing commitment of the community to provide support and opportunities for their successful reintegration. Together, we continue to build a safer and more inclusive society for all.

 

#SIKADTarlac

#TatagatLakasngTarlac

#TALAngTarlac

#TresTheBest

#TANGLAW

#MatinoMahusayMaaasahan

 

  1. Pagususuri ng FY 2023 SGLG-IF Project sa Santa Ignacia, Pinangunahan ng DILG
  2. DILG Tarlac, nagdaos ng Site Inspections ng mga Proyektong patungkol sa Konstruksyon ng Kalsada
  3. 2024 LTIA Provincial Table Validation, Isinagawa ng Tarlac PAC
  4. Mataas na Marka para sa Lalawigan ng Tarlac: Lahat ng Munisipyo/City Anti-Drug Abuse Councils Nakamit ang Mataas na Fuctionality Ratings

Page 5 of 73

  • Start
  • Prev
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
  • 6
  • 7
  • 8
  • 9
  • 10
  • Next
  • End

Follow Us

DILG Tarlac Official FB Page

Frontline Services

  • Availment of Scholarship for Organic and Local Officials
  • Availment of Scholarship for Organic and Local Officials
  • Grant of Death Benefits to barangay Officials who Die during their Term of Office
  • Grant of Death Benefits to barangay Officials who Die during their Term of Office
  • Processing of Eligibility Requirements of Barangay Officials