Mga Maniningning na TALA ng DILG Tarlac, Pinarangalan para sa 1st Quarter ng 2024
- Details
- Written by LGOO V Henrielle Justeene A. Tuliao
- Category: Publications
- Hits: 2545
Mga Maningning na TALA ng DILG Tarlac, Pinarangalan para sa 1st Quarter ng 2024
Ngayong araw, kinilala ng DILG Tarlac ang kanilang mga masisipag na Field Officers at Technical Staff na nagpakita ng kahusayan at kasipagan para sa 1st Quarter ng 2024. Sa kabila ng mga hamon at pagsubok, walang pag-aalinlangan silang nagpamalas ng dedikasyon sa kanilang tungkulin.
Bilang mga "Tatag at Lakas" o TALA ng Tarlac, patuloy silang nagniningning sa larangan ng serbisyo publiko. Ang mga pinarangalan ay kinilala dahil sa kanilang walang sawang pagsusumikap at kontribusyon sa tagumpay ng mga proyekto at inisyatiba ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal.
Narito ang mga pinarangalan na TALA:
NAGNININGNING NA TALA (90-94% na marka)
1. LGOO VI Aimee L. Tavisora ng DILG Anao;
2. LGOO VI Bryan N. Rivera ng DILG Moncada; at
3. LGOO VI Cherry Eve M. Mesina ng DILG Pura.
MASIKAP NA TALA (85-89% na marka)
1.LGOO VII Dennis A. Daquiz ng DILG Mayantoc;
2.LGOO VI Mon Alven A. Lagonilla ng DILG Camiling;
3.LGOO II Raquel A. Tactac ng DILG Camiling;
4.LGOO VI Rowena S. Angeles ng DILG Concepcion;
5.LGOO VI Jessica J. Esguerra ng DILG Gerona;
6.LGOO VI Robert C. Diola ng DILG Paniqui;
7.LGOO VI Angelo Alexis C. Barroga ng DILG San Clemente;
8.LGOO VI Omar James N. Gabriel ng DILG San Manuel;
9.LGOO VI Esther Rose P. Basingel ng DILG Santa Ignacia;
10.LGOO VI Rod Mark M. Salvador ng DILG Tarlac City;
11.LGOO III Christopher E. Clemente ng DILG Tarlac City; at
12.LGOO VI Precious Ava E. Guevarra ng DILG Victoria.
Ang mga pinarangalan na ito ay nagsisilbing inspirasyon at halimbawa sa kanilang mga kasamahan at sa komunidad. Ang kanilang Tatag at Lakas ay sumasalamin sa adhikain ng DILG Tarlac na manatiling Matino, Mahusay, at Maaasahan.
Sa pagtitipong ito, muling pinagtibay ng DILG Tarlac ang kanilang pangako na patuloy na magsisilbi nang buong puso. Muli, isang pagbati sa ating maniningning na TALA mula sa DILG Tarlac!