Proyekto ng FY 2023 SGLG-if ng Moncada, Tarlac, Sumailalim sa Isang Malalimang Pagsusuri ng DILG Tarlac
- Details
- Written by LGOO V Henrielle Justeene A. Tuliao
- Category: NEWS AND EVENTS
- Hits: 802
Isinagawa ang malalimang pagsusuri ng DILG Tarlac, alinsunod sa FY 2023 Seal of Good Local Governance para sa Lokal na Pamahalaan ng Moncada noong ika-9 ng Mayo, taong kasalukuyan. Layunin nito ang pagtitiyak na sinusunod ng lokal na pamahalaan ang mga pamantayan ng DILG para sa naturang proyekto.
Ang proyektong ito ay pagtatayo ng konkretong kalsada sa Barangay Camangaan East, Moncada, Tarlac. Ang proyektong farm-to-market road ay may layong mapadali ang pag-access ng mga residente sa mga mahahalagang serbisyo ng bayan at upang maibsan ang umuusbong na problema patungkol sa transportasyon sa nasabing barangay.
Matagumpay na isinagawa ang pagsusuri kasama ang mga kinatawan mula sa DILG Tarlac at Lokal na Pamahalaan ng Moncada.
#MatinoMahusayMaaasahanatMapagkakatiwalaan