Opisyal nang pinasinayaan ng Lokal na Yunit ng Pamahalaan ng General Tinio, Lalawigan ng Nueva Ecija, ang proyektong Dialysis Center sa Barangay Concepcion na magbibigay ng makabagong dialysis treatment hindi lamang sa mga pasyenteng mamamayan ng General Tinio kundi pati na rin sa lahat ng nangangailangan ng serbisyo nito.
Naisakatuparan ang proyekto sa pamamagitan ng pinagsamang Php 1,800,000.00 na insentibong nakamit ng munisipalidad mula sa pagpasa sa Seal of Good Local Governance ng taong 2023 at Php 1,440,000.00 na pondo ng lokal na pamahalaan. Ang inagurasyon at ribbon-cutting ceremony ay pinangunahan ni Punong Bayan Isidro T. Pajarillaga at dinaluhan ng Panlalawigang Patnugot ng DILG Nueva Ecija, Atty. Ofelio A. Tactac, Jr., CESO V.
#SGLGIF
#Uhay
#TresTheBest